top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Calamity Fund, kakarampot na nga lang, tinapyasan pa!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 22, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 22, 2021


ANG MGA TUMUTULONG SA KAPWA, DAPAT PINASASALAMATAN, HINDI BINA-BASH—Pagkatapos ng halalang 2022, dapat ang mga bagong manunungkulan sa mga national positions ay gumagawa ng batas na may kaakibat na mabigat na parusa laban sa mga bashers sa social media na namba-bash sa mga taong namimigay ng tulong sa kapwa.


Marami ang nagbibigay ng tulong sa mga biktima ng Bagyong Odette, may mga pulitiko at celebrity na tumutulong, pero imbes na pasalamatan ay bina-bash pa sila sa social media.


Sa totoo lang, nagmimistulang salot sa lipunan ang mga bashers, kaya’t dapat kasuhan na ang mga ‘yan para maturuan ng leksiyon, period!


◘◘◘


MULA NANG MAUSO ANG SOCIAL MEDIA, NAKITA NA NG MUNDO ANG MASAMANG UGALI NG ILANG PINOY—Mula nang mauso ang social media, riyan na nakita ng mundo ang masamang ugali ng ilang Pinoy.


Sa ibang bansa, ang tumutulong sa mga biktima ng kalamidad ay pinasasalamatan, pero sa ‘Pinas, kapag hindi kursunada ang taong tumutulong ay bina-bash, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


MADALAS MADALE NG KALAMIDAD ANG ‘PINAS, PERO ANG INILAANG CALAMITY FUND NG GOBYERNO, KAKARAMPOT—Sa bibig mismo ni P-Duterte nanggaling ang salitang wala nang perang pantulong ang kanyang gobyerno sa mga biktima ng Bagyong “Odette”.


Ang problema sa isyung ‘to, alam naman ng Duterte gov’t. na isa ang Pilipinas sa madalas tamaan ng kalamidad, tulad ng bagyo, baha, lindol at pagsabog ng bulkan, tapos kakarampot lang ang inilaang calamity fund, at ang mas malaking bahagi ng national budget ay ibinuhos sa “Build, Build, Build” projects.


Hay naku, mabuti sana kung nangangatngat ang mga kalsada, tulay at airport, eh, hindi naman, kaya ang resulta ay nagugutom ang mga biktima ng bagyo at iba pang kalamidad, boom!


◘◘◘


KAKARAMPOT NA NGA LANG ANG CALAMITY FUND, TINAPYASAN PA—Ito pa ang masaklap, nang dumaan sa Kongreso ang National Budget ng Department of Budget and Management, mantakin ninyong ang kakarampot na budget na nakalaan sa calamity fund ay pinag-initan, binawasan pa, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page