top of page
Search
  • BULGAR

Calamity assistance sa mga biktima ng lindol, handa nang i-release ng SSS

ni Lolet Abania | July 30, 2022




Inihanda na ng Social Security System (SSS) ngayong Sabado ang kinakailangang assistance para sa mga biktima ng magnitude 7 na lindol na tumama sa Abra sa Northern Luzon nitong Miyerkules ng umaga.


Sa isang statement, sinabi ng SSS na handa na nilang i-release ang isang calamity assistance program para sa mga biktima ng lindol sa mga lugar na idineklara sa ilalim ng state of calamity.


Batay sa state-run private sector pension fund, ang Calamity Assistance Package ay palalawigin sa mga SSS members at pensioners sa mga lugar na idineklara ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa ilalim ng state of calamity.


Ayon kay SSS president at Chief Executive Officer Michael Regino, “the Calamity Assistance Package will consist of the Calamity Loan Assistance Program (CLAP) and the three-month advance pension for pensioners.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page