Cagayan, niyanig ng magnitude 5 na lindol
- BULGAR
- Nov 7, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | November 7, 2022

Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang Dalupiri Island sa Calayan, Cagayan ngayong Lunes ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Batay sa bulletin ng PHIVOLCS, naitala ang lindol ng ala-1:34 ng hapon na isang tectonic, habang may lalim na na 54 km at ang epicenter nito ay matatagpuan sa layong 19.12°N, 121.20°E - 001 km N 25° W ng Dalupiri Island.
Ayon sa PHIVOLCS, nakapagtala ng Intensity III sa Luna, Apayao at Pasuquin, Ilocos Norte.
Intensity II naman ang naramdaman sa Lal-lo, Buguey, Lasam at Peñablanca, Cagayan.
Wala namang pinsalang inaasahan matapos ang lindol subalit posible ang mga aftershocks.





Comments