Cagayan niyanig ng magnitude 5.4 na lindol

ni Jasmin Joy Evangelista | March 24, 2022

Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Cagayan at mga kalapit na probinsiya nitong Miyekules ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Tumama ang lindol bandang 8:03 p.m at ang epicenter ay 20 kilometers northeast ng Aparri, Cagayan, ayon pa sa Phivolcs.
Ang naturang pagyanig ay tectonic in origin at may lalim na 9 na kilometro.
Naitala ang Intensity III sa Gonzaga, Cagayan; Intensity II sa Claveria, Cagayan at Pasuquin, Ilocos Norte; at Intensity I sa Laoag City, Ilocos Norte.
Wala namang naitala na pinsala ang lindol ngunit posibleng makaranas ng afteshocks.





Comments