top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Cable car, tiyaking ligtas para sa pasahero

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 14, 2024
1 min read

by Info @Editorial | July 14, 2024


Editorial

Sa taong 2028, posibleng matunghayan ng Pilipinas ang pagbubukas ng kauna-unahang cable car system sa bansa, isang proyekto na naglalayong magbigay ng makabagong solusyon sa mga suliranin sa transportasyon at trapiko.


Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang Antipolo Cable Car Project, ay mag-uugnay sa Taytay station ng Metro Rail Transit Line-4 (MRT-4) sa Antipolo City.


Ang system cost at kapasidad ng pasahero ng cable car system ay matutukoy sa pamamagitan ng feasibility study sa 2025.


Bukod sa kaginhawahan sa biyahe, malaki rin ang potensyal na benepisyo ng cable car system sa ekonomiya. Ang proyektong ito ay makapagbibigay ng maraming trabaho mula sa konstruksyon hanggang sa operasyon at pagpapanatili. 


Maaari rin itong maging isang atraksyon para sa mga turista, na magdadala ng karagdagang kita sa ating ekonomiya.


Bagama’t, ito rin ay nagbubukas ng mga katanungan at pangamba ukol sa implementasyon, kaligtasan, at pangmatagalang epekto sa ating mga bansa.


Mahalaga ring magkaroon ng maayos na plano para sa seguridad at kaligtasan ng mga pasahero.


Hangad natin na maging matagumpay ang proyektong ito dahil hindi lamang ito simpleng solusyon sa trapiko, kundi isang simbolo ng progreso at modernisasyon ng ating bansa.


Sa ngayon, pagsikapan munang mas mapaganda ang sistema ng mass transportation para hindi hirap ang publiko sa pagbiyahe. Kung maayos at ligtas ang mga pampublikong sasakyan, hindi lang luluwag ang kalsada, makakatipid pa ang mga motorista lalo’t non-stop ang taas-presyo ng petrolyo, imbes na magpa-gas, mamamasahe na lang. 


Kaya sana, tuloy lang ang mga programa at proyekto para sa maginhawang transportasyon.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page