top of page
Search
  • BULGAR

Butler ng Heat, sinunog ang Celtics sa Game 1

ni Anthony E. Servinio - @Sports | May 19, 2022



Umapoy si Jimmy Butler at Miami Heat sa second half upang masugpo ang bisitang Boston Celtics, 118-107, sa Game 1 ng East Conference Finals ng 2022 NBA Playoffs kahapon sa FTX Arena. Ang Game 2 ng best-of-seven ay sa Biyernes.

Lumamang ang Boston, 47-34, bago nakahabol ang Miami para lumapit sa pagsara ng 2nd quarter, 54-62. Isang mas mabangis na Heat ang lumabas para sa 2nd quarter at bumuhos ng 17 puntos si Butler upang maagaw ang lamang at lumayo papasok sa last quarter, 93-76.

Ipinasok ni Tyler Herro ang tatlong free throw sa simula ng 4th quarter para sa pinakamalaking lamang, 96-76. Sinubukan ng Celtics na humabol sa pangunguna ni Jaylen Brown at tinapyas ang agwat sa 7 puntos na lang, 107-114, at 1:28 ang nalalabi subalit hindi pumuntos at sinelyuhan ng 2 free throw ni Gabe Vincent at huling hirit ni Butler.

Matalas si Butler sa 41 puntos sa 41 minuto ng aksyon. Sinundan ni Sixth Man of the Year Herro na may 18 puntos at Vincent na may 17. Nanguna sa Celtics si Jayson Tatum na may 29 puntos at Brown na may 24 at 10 rebound. Malaking dagok sa Boston ang biglang hindi paglaro nina Defensive Player of the Year Marcus Smart na masakit ang paa at sentro Al Horford na pumasok sa health protocol.

Samantala, nagwagi ang Orlando Magic sa 2022 NBA Draft Lottery para sa karapatan na unang pumili sa taunang seremonya sa umaga ng Hunyo 24, oras sa Pilipinas.

Isa si Filipino Kai Sotto sa mga nais matawag ang pangalan ng 30 koponan. Matunog sina 7’0” Chet Holmgren ng Gonzaga, 6’10” Paolo Banchero ng Duke at 6’10” Jabari Smith ng Auburn bilang mga kandidato na pinagpipilian ng Magic.


0 comments

Комментарии


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page