Buti na lang daw dumating si Dennis… JENNYLYN, IBINULGAR ANG 3 MALALAKING DAGOK SA BUHAY NIYA
- BULGAR

- Jan 23, 2025
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Jan. 23, 2025
Photo: Jennylyn Mercado - Instagram
Mahigit dalawang dekada na nga si Jennylyn Mercado bilang artista at ito rin ang bilang ng kanyang pananatili sa GMA-7 since dito naman talaga nagsimula ang kanyang career simula nang manalo siya sa kauna-unahang season ng StarStruck bilang Ultimate Survivor.
Sa mahigit 20 years niya sa showbiz, ibinahagi ng aktres ang mga unforgettable moments sa kanyang buhay.
Sa panayam ni Nelson Canlas sa Kapuso Ultimate Star, ibinahagi ni Jen ang tatlong malalaking pagsubok na kanyang pinagdaanan sa buhay.
Ang una raw ay ang pagbubuntis niya sa panganay niyang anak na si Alex Jazz noong 2008. Aniya, that time ay wala pang kasiguraduhan ang career niya at naisip na raw niyang talikuran ang showbiz para makahanap ng mas stable na trabaho.
Pangalawang pagsubok na dumating sa buhay niya ay nang magkahiwalay sila ni Dennis Trillo. Matatandaang unang nagkaroon ng relasyon sina Dennis at Jen noong 2010, pero hindi ito nag-workout kaya nauwi sa hiwalayan.
“Nu’ng time na ‘yun, isa ‘yun sa mga pinakamalungkot na parte ng buhay ko kasi s’ya ‘yung greatest love ko,” sey ni Jen.
Ang pangatlong unos na kanyang hinarap ay nang pumanaw ang adoptive mother niya na si Mommy Lydia in 2016.
Ayon sa aktres, ang pagkawala ng kanyang Mommy Lydia ay pagkawala ng source of strength niya.
“Nami-miss ko si Mommy. Pangalawang contract signing ko na ito na wala s’ya. Ganito rin, para rin akong, alam mo ‘yung parang may kulang? Pero alam kong masaya siya para sa ‘kin,” aniya.
Pero kung may mga pagsubok man siyang hinarap, marami rin naman daw siyang natutunan at dahil din sa mga trials na ito kaya siya naging matatag.
“Kasi alam naman ng lahat na wala akong masasandalan. Wala akong pamilya, wala na ‘yung nanay ko, so ako na lang mag-isa. Naitaguyod ko ‘yung sarili ko. Kaya sabi ko nga, thankful ako na dumating din si Dennis dahil kahit papaano, may katuwang na ako sa buhay,” saad ng aktres.
Dahil naging busy na si AGRI Partylist Representative Manoy Wilbert Lee sa kanyang katungkulan ay natigil na ang kanyang public service program na Si Manoy Ang Ninong Ko (SMANK) sa GMA Kapuso Network.
Umere ang nasabing show mula Marso hanggang Hulyo, 2024, kung saan nakasama niya sina Gelli de Belen, Patricia Tumulak at Sherilyn Reyes-Tan.
Ayon kay Manoy nang makatsikahan namin kamakailan, nami-miss niya rin ang kanyang show pero dahil tumatakbo rin siyang senador ngayong 2025 elections ay hindi niya ito puwedeng ituluy-tuloy. Pero, kung may time raw after elections ay baka buhayin niya itong muli.
“Puwede po siguro after elections, dahil ipinagbabawal din po ito (habang nasa kampanya). Saka may programa man po tayo o wala, tuloy po ang pagtulong natin,” aniya.
Napakagandang experience raw para sa kanya na maging bahagi ng programa na nagpapakita ng modern-day bayanihan ng mga Pilipino.
Nagpasalamat din si Manoy sa opportunity at sa inspirasyon na makatulong sa iba’t ibang sektor at komunidad na naabot ng programang SMANK.
Naging abala rin ang Bicolanong mambabatas sa pakikipaglaban para madagdagan ang mga benepisyo ng PhilHealth mula nang ibulgar niya ang bilyun-bilyong pondo ng ahensiya noong Setyembre, 2023.
Kung matatandaan, napabalita at naging usap-usapan ang pang-aagaw ni Manoy Lee ng microphone sa Kamara habang nasa deliberasyon ng budget ng Department of Health (DOH) noong Setyembre 25, 2024.
Dahil sa nasabing pang-aagaw ng mic at walang tigil na pangangalampag ni Manoy Lee sa DOH at PhilHealth, 95% o mahigit pa ang naitaas na sa coverage ng mahigit 9,000 case rates ng PhilHealth.
Bukod dito, maipatutupad na rin ng PhilHealth ang libreng checkup sa mata, pagpapagawa ng salamin, at operasyon sa katarata, ipinapatupad na ang libreng dialysis, pinalawak na coverage sa pagpapagamot ng breast cancer, pati na ang benepisyo sa pagpapagamot sa mga sakit sa puso at kidney transplant, at sinimulan na rin ang implementasyon ng outpatient emergency care services ng ahensiya.






Comments