- BULGAR
Busy pa more sa pulitika ang ‘Pinas
ni Ka Ambo - @Bistado | June 2, 2022
KRISIS sa ekonomiya pa rin ang isyu sa buong daigdig.
Pero sa ‘Pinas, pulitika pa rin ang pinagkakaabalahan!
◘◘◘
PAANO kaya tutulungan ang mga munting negosyanteng nasa kariton?
Waley!
◘◘◘
UMIINIT ang isyu West Philippine Sea.
Mag-iinarte na naman ang Tsekwa!
◘◘◘
EXCITED ang mga bagong uupo sa gobyerno.
Marami ang mawawalan ng trabaho!
◘◘◘
WALA pang linaw kung sino ang magiging anti-illegal drug czar.
Baka si P-Digong?
◘◘◘
DELIKADO na ang sitwasyon ng buhay ni Kris Aquino.
Kailangan niya nang walang patid na dasal.
Sana ay surpresang dalawin siya ni P-BBM sa ospital.
◘◘◘
IPATUPAD na sana ang 100 percent, face-to-face class sa school year na ito.
Lalaki ang demand sa lipstick at facial cream!
◘◘◘
KAPAG face-to-face classes, mabubuhay ang nagtitinda ng fishball, banana’t camote cue at buko juice.
Sisigla ang negosyo ng mumunting tao sa kalye!
◘◘◘
MAULAN na naman.
Walang nag-aayos ng mga kanal.
Iresponsable ang mga kolokoy!
◘◘◘
DAPAT daw bigyan ng puwesto si VP Leni.
Pwes, ilagay siya sa laylayan!