Busy daw siya, Paolo… JOROSS, ATRAS MAG-HOST NG EAT… BULAGA!
- BULGAR
- Jun 26, 2023
- 2 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | June 26, 2023

Unang beses nagkatrabaho sina Paolo Contis at Joross Gamboa sa pelikulang Ang Pangarap Kong Oskars at maganda ang chemistry nila, kaya sigurado kami na masusundan pa ng mga susunod na proyekto ang pagsasama ng dalawa.
Ang nasabing pelikula na idinirek ni Jules Katanyag, produced ng MAVX Productions ni Lucky Blanco at palabas na sa June 28 ay tribute para sa lahat ng movie producers at filmmakers upang ipakita kung gaano kahirap ang proseso sa pagbuo ng pelikula, lalo na sa panahon ngayon na mabibilang sa mga daliri ng kanang kamay ang mga kumita.
Naunang kuwento ni Paolo na bagama’t puro kalokohan ang ipinakita nilang pag-arte sa nasabing pelikula ay gusto nilang ipakita sa lahat ang pre-production habang isinu-shoot at post-production kung gaano ito kahirap.
Say nga ni Joross, “Add ko lang to inspire sa mga gustong gumawa ng pelikula na after ninyo itong mapanood, siguro kaya n’yo na. Hahahaha! Gusto rin naming mailayo ang mga kabataan sa drugs. Sumasalamin ito sa industriya na hindi basta-basta ang pag-produce ng pelikula.”
Effortless ang acting nina Paolo at Joross, pero hindi naman nagpahuli si Kate Alejandrino na ang karakter ay line producer base sa napanood namin sa red carpet screening ng Ang Pangarap Kong Oskars na ginawa sa SM The Block noong Biyernes, June 23 nang gabi.
Bago nagsimula ang screening ng nasabing pelikula ay nakausap at natanong namin si Joross kung kumustang katrabaho si Paolo.
“Masaya! Magaling si Pao!” sabi ni Joross.
Dagdag pa niya, “Kumbaga, kaya niya kasi. Bihira lang ‘yung mga ganu’n, ‘yung kayang mag-comedy, saka kayang magseryoso.

“So, sa comedy namin, kahit naman ako kapag nagko-comedy, ‘yung seryoso — ‘yung hindi ka nagpapatawa. Sitwasyon ang nakakatawa talaga,” sagot kaagad ni Joross.
At dahil isa si Paolo sa mga hosts ng bagong Eat… Bulaga! ay posible bang mag-promote si Joross sa nasabing programa ng GMA-7?
“Sa akin, kung saan kailangang mag-promote, magpo-promote naman tayo,” sambit ng Kapamilya actor.
Open din ba si Joross, if ever na alukin siyang maging host ng EB! at makakasama na niya ang co-star na si Paolo?
“Sa ngayon, ano, eh, puno ang schedule ko dahil ginagawa ko ang The Missing Husband. Tapos, wala rin namang offer,” saad ni Joross.
Anyway, dumalo rin sa screening ang dalawa pang kasama sa cast na sina Kate Alejandrino at Faye Lorenzo. Hindi naman nakarating sina Long Mejia, Yukii Takahashi at Jon Santos.
Successful ang ginanap na red carpet screening ng Ang Pangarap Kong Oskars sa SM The Block dahil dinaluhan ito ng mga kilalang artista tulad nina Patrick Garcia, Adrian Alandy, Rocco Nacino, Jason Abalos, Kokoy de Santos, Royce Cabrera, Roadfill Macasero, Cassy at Mavy Legaspi, Alexa Miro, Buboy Villar, Kimpoy Feliciano at Jason Abalos.
Mapapanood na ang Ang Pangarap Kong Oskars sa darating na Miyerkules, June 28, in theaters nationwide.
Comments