Businesswoman, pinagbabaril ng Lalamove rider

ni Janice Baricuatro @News | September 18, 2026

Photo: File
Isinugod sa ospital ang isang negosyanteng babae matapos pagbabarilin ng tatlong lalaki na nagpakilalang Lalamove rider sa Barangay Tejero, General Trias City, Cavite.
Dalawang tama ng bala sa dibdib at tiyan ang tinamo ng biktimang si alyas Holie, 37, na nagpapautang ng pera.
Dumating sa bahay ng biktima ang isang lalaki sakay ng motorsiklong may Lalamove box at nagsabing may dalang parcel. Paglabas ni Holie, biglang dumating ang dalawang suspek sakay ng isa pang motorsiklo at pinagbabaril siya bago tumakas.
Ayon sa kaibigan ng biktima, isa sa mga posibleng motibo ang hindi umano pagbabayad ng isang kliyente na may utang na halos P1 milyon at balak na sana niyang kasuhan.
Natukoy na ng pulisya ang mga suspek at dalawang motorsiklong ginamit sa krimen sa tulong ng CCTV footage at mga saksi.





Comments