top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

Bus fare sa EDSA Bus Carousel, mula 11PM-3AM, oks sa LTFRB

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 20, 2022
  • 1 min read

ni Lolet Abania | September 20, 2022



Kinumpirma ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayong Martes na pinapayagan na nila ang pagkolekta ng bus fare sa EDSA Bus Carousel mula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-3:00 ng madaling-araw, araw-araw.


Inisyu ng LTFRB ang confirmation matapos na maraming pasahero ang nagreklamo na pumila sila nang napakatagal sa EDSA Bus Carousel noong isang gabi.


Anila, ang mga dispatchers ay naghintay hanggang alas-11:00 ng gabi bago ang mga pasahero ay pinayagang sumakay upang masingil o ma-charge ng mga ito ang pamasahe sa mga commuters.


Paliwanag ng LTFRB, hindi na kayang makapagbigay ng gobyerno ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel para sa 24-oras kaya pinayagan nila ang fare box system.


Gayundin, anang ahensiya, mas kaunti na ang mga bus na bumibiyahe sa nasabing ruta.


Gayunman, sinabi ng LTFRB na mag-iisyu sila ng isang regulasyon upang matiyak na patuloy ang operasyon ng EDSA Bus Carousel para hindi na rin magtiis ang mga commuters sa mahabang pila sa pagsakay ng bus.


Ang “Libreng Sakay” program sa EDSA Bus Carousel ay available lamang mula alas-4:00 ng madaling-araw hanggang alas-11:00 ng gabi na tatagal hanggang Disyembre 2022..

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page