top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Buong mukha ang nagbago, pero… SIGAW NI XYRIEL: ILONG LANG PO ANG IPINARETOKE KO!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 1, 2023
  • 2 min read

ni Maricon Nolasco @Marispluk | July 1, 2023




NAG-SHARE ng picture ang dating child star-young actress na si Xyriel Manabat sa kanyang Instagram kung saan makikitang may nag-iba sa facial features niya.


Ang inilagay niyang caption sa naturang IG post: Thank you @facesandcurves_ph. @shereccs, #DocJayRecasata."


Agad na napansin ng mga netizens ang pagbabago sa hitsura ni Xyriel, kaya't inulan ng samu't saring komento ang naturang picture ng dating child star.


Pagtatanong ng netizen, “Eyelids, rhinoplasty, lip fillers, jaw reduction? Ang ganda ng gawa.”

Ang walang kiyeme namang sagot ni Xyriel, “Nose lang po.”


Pagkontra naman ng isa pang commenter, “HAHAHAHA! Ano'ng nose lang? Eh, buong face mo ang nag-iba. Wala namang masamang umamin, cyst. Lol.”


Dagdag pa ng isang netizen, “Masabi lang na honest, nose lang daw. Takpan mo ‘yung nose, iba na ‘yung mata, iba na rin ‘yung labi, pati mukha, naging manipis. Tapos, nose lang daw?


‘Di na nga na-take ni Xyriel ang pagmamarunong ng mga naturang commenters, kaya’t sinagot na niya ang mga ito, “Hi, what's the point of denying po? It's something to be proud of... I'm being honest and transparent. Of course, whole po ang magbabago kasi nasa center po ng face ang nose and may madadamay at may maaapektuhan po talaga na part ng face, kaya magbabago po talaga ang whole face... Common sense, come on.”


Ang proud na sabi pa ng young actress, “Bakit ko ide-deny? Eh, ang galing ng doctor ko!”

Sinang-ayunan naman ng isang commenter ang mahabang explanation ni Xyriel na nag-iiba talaga ang mukha ng mga taong nagpapaayos ng ilong, “Tama naman ‘yung sinabi niya na magmumukha talagang malaki ang ipinagbago kapag ilong ang ipinaayos kasi nasa sentro ng mukha, eh. Nothing wrong naman, as long as 'di lang super drastic ang change na magiging unrecognizable na siya."


Sey naman ng isa pa, walang problema sa pagpaparetoke, ang ‘di lang niya bet ay ‘yung mga may-edad na artistang trying hard magmukhang bata.


“Enhancement is okay, puhunan naman din kasi nila ang kanilang looks. Ang off lang talaga is ‘yung mga matatandang actors na pilit pinapabata ang looks at the expense of a face na halos ‘di na nababago ang hitsura regardless of the emotion na ipino-portray. Sayang, eh, ‘di mo na makuha ‘yung expression na kailangan para sa eksena.”


Hello, nasa 2023 na po tayo! Sana, mas open na ‘yung mindset ng mga tao when it comes to surgery and enhancement.

Go lang, as long as pera mo ang ipinambayad, mapapasaya ka nito at makakatulong to boost your self-confidence. Paaaak, ganernnnn dapat!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page