top of page
Search
  • BULGAR

BUNSO NINA SARAH AT RICHARD, IPINA-DNA RAW NI ANNABELLE

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 29, 2023




May bago palang isyung pinagpipiyestahan ngayon ang mga netizens tungkol sa estado ng relasyon nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, na wala pa ring official statement hanggang ngayon kung hiwalay na ba talaga o nasa cool-off stage lang.


Kaya naman naloloka kami sa mga comments ng mga netizens na tila naka-monitor sa mga kaganapan sa buhay ng Gutierrez family.


May Instagram post kasi si Sarah ng video ng bunsong anak nila ni Chard na si Kai habang nakaupo ito sa isang chair.


Sa comment section na in fairness, hindi naka-off kaya nakapagkomento ang mga netizens, mababasa ang isyung diumano'y ipinapa-DNA ng nanay ni Richard na si Annabelle Rama ang bunsong si Kai dahil sa unang tingin, wala nga itong kamukha kina Richard at Sarah, kumpara sa panganay na si Zion na mas kamukha ni Sarah.


Komento ng isang desca_31"Ang alam ko, pina-DNA daw 'yang bunso niya, eh, paano hindi kamukha ni Zion, eh, kamukha ni Sarah saka pangalawang anak naman kaya ok lang maging kamukha ng nanay."


Dagdag naman ng isang tinnesarmper, "May nabasa akong post sa b-day ni Annabelle, totoo ba 'yan?"


Galit na galit naman ang isang dear_whimsy kay Tita A, at sabi nito, "Ang kapal ng mukha ni Annabelle. Eh, mas kamukha niya 'yang pangalawa. 'Yung panganay, kamukha ni Sarah.

Pakialamera kahit kailan."


Pero sa tingin naman ni rubzzzz_x, "Hawig na hawig ni Richard, 'yung panganay, hawig naman ni Sarah. Sana hindi totoo ipina-DNA, ang sakit niyan sa bata 'pag lumaki, pati sa nanay."


True! Hindi nga naman biro ang isyung DNA testing na 'yan, ha — kung sakaling true man — dahil kahit sinong babae, maiinsulto kapag hinamong ipa-DNA ang anak niya.


Kaya naman may ilang netizens din na ang tingin tuloy ngayon kay Richard ay mama's boy pa rin daw ito at hindi man lang ipinagtanggol ang kanyang asawa, kaya raw siguro pinili ni Sarah na lumayo muna at mag-isa.


Well, kilala sa showbiz si Tita A bilang doting mother at kahit malalaki na ang mga anak, nandiyan pa rin talaga siya at nakasuporta-nakaalalay sa mga ito.


Pero siyempre, sila-sila lang ang nakakaalam kung ano talaga ang problemang namamagitan kina Sarah at Richard (again, kung meron man), kaya sana, tigilan na ng mga netizens ang kanilang unsolicited advice o opinion lalo't isang walang kamuwang-muwang na bata ang nadadamay sa malisyosong issue, 'no!


Please lang, tigilan na 'yan!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page