Bultong ginto sa Bangko Sentral, magsasalba sa 'Pinas
- BULGAR
- Apr 27, 2022
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | April 27, 2022
KINANSELA na ng Comelec ang town hall debates. Pinaiimbestigahan nila kung may kabulastugan na naganap sa pagporma ng mga nakaraang debate.
Sa totoo lang, hindi nauunawaan mismo ng Comelec ang sitwasyon ng “election debates”.
◘◘◘
HUMINGI ng opinyon sa publiko si Comelec George Garcia upang makatulong sa imbestigasyon.
Nais nating ipaalam sa Comelec na ang iniyayabang nilang “election debates” ay isang klase ng “financial ventures” dahil mayroong potential income.
◘◘◘
DAHIL tipong negosyo, siyempre, posibleng malugi ang organizer tulad ng naganap.
Kung may potential na malugi, siyempre, may potential din itong “magkamal ng salapi” — gamit ang mismong kandidato bilang “content”.
◘◘◘
HINDI simpleng “public service” ang kontrobersyal na presidential debates, bagkus ito ay mas nasa porma ng negosyo.
Dapat ay isinubasta ng Comelec ang “special project na ito”.
Sino sa Comelec ang nagdesisyon sa pagpasok sa kasunduan sa mga “organizers” na may kaakibat na financial transactions sa mga sponsors?
◘◘◘
DAPAT ay nauunawaan ng Comelec ang kahulugan ng “patas na debate”.
Ang tunay na patas na debate, ang mga kasali ay co-organizers din.
Ibig sabihin, kasama sila mismo o ang kanilang representante sa paghubog o paglikha ng programa — kasama na ang pag-aayos ng format.
◘◘◘
KASOSYO o kasama bilang “co-organizers” ang mga mismong kandidato na siyang “main content” ng programa.
Ibig sabihin, hindi puwede na kinukumbida ang mga “kandidato” tulad ng ginawa ng organizers na may bendisyon ng Comelec.
◘◘◘
SA simula pa lamang ay dapat nang kasama sa mga nag-uusap ang representante ng mga kandidato na dadalo.
Sa totoo lang, sakaling kumita mula sa sponsors, dapat ay hinahatian o may karapatang-legal sa pondo ang mga kandidato — dahil sila mismo ang “content”.
◘◘◘
NAPAGDUDUDAHAN ang Comelec na “biased” dahil nagpapadikta sila sa pribadong grupo na nais pagkakitaan ang “presidential debates”.
Dahil wala ang “main content” na sina dating Sen. Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte, nabangkarote ang organizers.
Siyempre, nadamay ang Comelec.
Iyan ang dapat imbestigahan.
◘◘◘
NAGPAGAMIT ang Comelec, pero hindi nagpagamit sina Marcos at Duterte kahit binabato sila sa “programa”.
Kailangan ng mga naiiwanan sa survey ang “programa” at magtatangka silang gamitin ang presidential debate upang makahabol.
Pero, hindi dumalo ang “main content” kaya’t mabibisto ang lihim na motibo sa loob ng alingasngas.
◘◘◘
NAGKAKAISA ang lahat ng nagmamasid na magtatagal ang giyera ng Russia at Ukraine.
Kinumpirma ni Vladimir Putin na wala nang pag-asa pa ang peace talk at ceasefire.
◘◘◘
ANG lahat ng bansa ay apektado kabilang ang US, China at Europe.
Ang ekonomiya ng buong daigdig ay nahaharap sa hindi maiiwasang krisis na hindi pa nararanasan sa kasaysayan.
◘◘◘
SA Pilipinas, isang malaking paghamon sa mauupo sa Malacañang kung paano maisasalba ang bansa sa isang matinding krisis.
Ang bulto ng ginto na nasa pangangalaga ng Bangko Sentral at pribadong grupo ang magsasalba sa Pilipinas.
◘◘◘
KAILANGANG magpatibay ng batas ang Kongreso at Malacañang nang may kaugnayan sa “transaksiyon” sa gold.
Tatawagin itong “Gold Act of 2022”.








Comments