top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bullying sa paaralan, 'wag dedmahin, titser at magulang magtulungan

BULGAR
Jan 22, 2023
1 min read

@Editorial | Enero 22, 2023


Sa kabila ng pagkakapasa ng Republic Act No. 10627 o ang Anti-Bullying Act, nagpapatuloy pa rin ang bullying.


Sampung taon na tayong may batas kaugnay nito subalit nangyayari pa rin ang bullying, may mga biktima pa rin. Ano kaya ang problema?


Kamakalawa nang iulat natin ang isang 13-anyos na lalaki na sinaksak sa dibdib at napatay ng kanyang kaklase na edad 15. Ayon sa nakapatay, bullying umano ang ugat ng away. Nakakapanlumo, sa isang iglap, dalawang buhay ng kabataan ang nawasak.

Batay pa sa survey na isinagawa ng Programme for International Student Assessment o PISA, lumalabas na sa mga 15 years old na kabilang sa survey, 65% nito ay nagsasabing nakararanas pa rin ng pambu-bully nang ilang beses sa isang buwan.


Kailangang suriin kung epektib ang mga pamamaraan na itinakda sa ilalim ng Department of Education (DepEd) Order No. 55, kabilang ang mga agarang tugon, pag-uulat, paghahanap ng katotohanan at dokumentasyon, interbensyon at mga hakbang sa pagdidisiplina.


Kailangang tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral habang nasa eskuwelahan bilang ito ang itinuturing na ikalawang tahanan ng ating mga anak.


Taong 2021 nang binuo ng DepEd ang Child Protection Unit upang pagtibayin ang mga polisiya at commitment nito na protektahan ang bawat kabataang mag-aaral.


Suriin natin ang mga nakasaad dito, naipatutupad ba ng maayos, naaangkop pa ba sa panahon o baka kailangan nang baguhin.


Ingatan natin ang mga kabataan, huwag nating hayaan na sila'y mapahamak. Ibigay natin ang pagkakataon na makapamuhay sila nang maayos at masaya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page