top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bulls, Pistons at Bucks, 'di mapigil ang pag-angat

BULGAR
Apr 2, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | April 2, 2022




Bumida ng todo si Giannis Antetokoumpo sa 120-119 panalo ng Milwaukee Bucks sa Brooklyn Nets sa laro na puno ng drama at kasaysayan sa NBA kahapon sa Barclays Center. Sa gitna ng mahalagang tagumpay, si Antetokounmpo na rin ang may pinakamaraming puntos sa kasaysayan ng Bucks at nilampasan ang alamat na si Kareem Abdul-Jabbar.

Nakuha ni Giannis ang bagong marka matapos ang three-points na may 18 segundo sa fourth quarter upang itakda ang overtime, 110-110. Bago ang laro ay kailangan niya ng 40 puntos upang higitan ang 14,211 ni Kareem na naglaro sa prangkisa mula 1969 hanggang 1975.

Double-double si Giannis na 42 puntos at 14 rebound at lalong lumapit ang Milwaukee sa kartadang 48-28 sa numero unong Miami Heat na 49-28.

Nadisgrasya ang isa pang humahabol na Philadelphia 76ers at tinalo sila ng kulelat na Detroit Pistons, 104-92. Humabol ang Pistons sa huling anim na minuto at inagaw ang inaasahang panalo ng 76ers sa likod nina rookie Cade Cunningham na may 27 puntos at Saddiq Bey na ipinasok ang 10 ng kanyang 20 puntos sa 4th quarter.

Hindi pa rin bumibitaw ang Chicago Bulls at tuloy ang laban nila na makaangat sa East matapos pabagsakin ang bisitang LA Clippers sa overtime, 135-130. Pumukol ng 10 sa kanyang 50 puntos si DeMar DeRozan sa overtime at kumuha ng suporta kay Nikola Vucevic na nagsumite ng 22 puntos at 14 rebound at Zach LaVine na may 21 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page