Bulag at sunud-sunuran daw kay P-Du30... SWEET, TINAWAG NA BOBO AT TANGA ANG MGA DDS

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 16, 2020

Nauubos na yata ang pasensiya ni John "Sweet" Lapus sa mga DDS kaya tinawag niya ang mga ito ng "stupid".
Sa kanyang tweet, inayunan ng komedyante-aktor-direktor ang sentimyento ng netizen regarding sa mindset ng mga supporters ni President Rodrigo Duterte.
Tweet ni John, “I think 'yan ang common sa mga DDS, either bobo or tanga. Kaya madali silang mabola. Kaya sinasadya na ang mga kagag*han."
Nagsimula ang lahat dahil sa outfit ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na gawa ng isang Pinoy. Sa post ni Catriona sa kanyang Instagram account, partikular na binanggit niya na ang damit ay ginawa ni Justine Aliman, isang Pinoy stylist.
Nasa Colombia ang beauty queen upang maging judge sa Miss Universe Colombia.
Binanatan ng mga tagasuporta ni P-Duterte si Catriona dahil bakit daw nandu'n ang Miss U kesa damayan ang mga kababayan sa Bicol na nasalanta ng Bagyong Rolly.
Para kay John, walang katuturan ang pakikipag-argumento sa mga sumusuporta kay Duterte dahil imbes mag-focus ang mga ito sa issue, karamihan ay nagiging personal ang banat sa personalidad na gusto nilang punahin.
Sa tweet ni John, sinabi niyang ang mga sumusuporta kay P-Duterte ay pipi o tanga. Anumang bagay na mai-post o puna nila sa social media ay kalokohan lang daw.
Samantala, kung may mga DDS na pumuna kay Catriona, may mga netizens din namang nagtanggol sa beauty queen.
Ang Twitter user na si @JerryGracio ay nagkomentong, “Mga tangang ‘to, si Catriona ba ang presidente?”
Nakalimutan daw yata na ang beauty queen ay hindi isang public official kaya wala itong obligasyon sa paglilingkod-bayan.





Comments