Bukod sa pagiging pabaya raw dahil bully ang anak… MISIS NI ROB, KINASUHAN NG 20 COUNTS NG CYBER LIBEL NG ASAWA NI ALFRED
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 22, 2026

Photo: IG @robsy.ph & IG @yasmien_vargas2307
Muling nagsampa ng kaso si Alfred Vargas at ang misis niyang si Yasmine Espiritu, this time laban sa mga taong naglalabas ng mga paninira at akusasyon sa kanilang pamilya.
Ayon sa post ni Yasmine nitong Lunes sa kanyang Instagram (IG), nagsampa siya ng 20 counts of cyber libel at kinailangan niyang gawin ito upang maprotektahan ang kanyang pamilya.
“Kaya pinili naming magsalita, ‘di dahil gusto naming makipagtalo, kundi dahil mahal namin ang aming mga anak,” pahayag ng misis ni Konsehal Alfred.
“Today, I filed 20 counts of cyber libel. Nalulungkot po ako na umabot pa sa ganito. Sinubukan naming idaan sa maayos na pag-uusap noong Pebrero, ngunit sa halip, nagpatuloy ang mga posts sa social media na naglalaman ng maling paratang laban sa akin, sa aking asawa, at sa aming pamilya even after we chose to remain silent,” pagbabahagi niya.
“‘Di na po ito maaaring magpatuloy. These claims are false and are meant to damage our name and reputation,” patuloy pa ni Yasmine.
Ayon pa sa misis ni Alfred, may mga ebidensiya silang magpapatunay ng kanilang reklamo at naniniwala silang lalabas ang katotohanan.
“Pinili naming dumaan sa tamang proseso. Nagsampa na po kami ng reklamo at kalakip nito ang aming ebidensiya. Tiwala po kami na lalabas ang katotohanan,” saad ni Yasmine.
“Sa lahat ng sumusuporta, nagdarasal, at naniniwala sa amin, maraming salamat. ‘Di po namin ito kakayanin nang kami lang,” aniya pa.
Nakiusap din siya sa publiko na itigil na ang pagkakalat ng paninira online laban sa kanila.
“At sa publiko, nakikiusap po kami: Let us choose kindness. ‘Wag na po nating dagdagan ang sakit sa pamamagitan ng paninira, haka-haka, o masasakit na salita, lalo na online.
“Bullying, in any form, has no place in our community,” pahayag pa ni Yasmine.
Hindi na niya binanggit kung sino ang sinampahan nila ng kaso at kung ilang tao ang sangkot, pero napag-alaman naming ang misis ni Rob Sy na si Juvelle Bacosa ang sinampahan niya ng 20 counts ng cyber libel.
Matatandaang noong April 13 ay nagsampa rin sina Alfred at Yasmine ng reklamo sa Office of the City Prosecutor ng Manila laban sa mga magulang ng isang menor-de-edad na nang-bully at nang-abuso umano sa kanilang anak habang nasa swimming training.
Nilabag umano ng mga magulang ng menor-de-edad ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, at hindi nila nagampanan ang kanilang legal na tungkulin sa ilalim ng Family Code na bantayan at disiplinahin ang kanilang anak.
Bagama’t walang binanggit na pangalan si Alfred, lumantad naman kaagad ang aktor na si Rob Sy at itinanggi ang akusasyon sa kanyang anak.
“Sobrang sakit bilang magulang na maakusahan ang aking eight-year-old na anak, lalo na’t ‘di totoo at malinaw na binaliktad ang naratibo. Tama na. Sobra na. Labis na ang paninira,” pahayag ni Rob Sy sa kanyang social media post.
Well, saan kaya hahantong ang kasong ito? Abangan!




Comments