top of page
Nadine Lustre - Zero Studio PH.jpg

Bukod sa nagluluto… BIMBY, NAGBOBOKSING NA RIN

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | October 23, 2026



BIDA - BIMBY, NAGBOBOKSING NA RIN_IG _krisaquino

Photo: IG _krisaquino



Iba't ibang mukha ni Bimby Aquino ang nakikita ng mga netizens na kanilang ikinatutuwa. Nakita si Bimby na nagluluto ng Beef Stroganoff at pinabilib niya ang netizen dahil may kasamang annotation. 


Okay lang daw kahit endorsement ‘yun, ang mahalaga, ipinakita ng bunso ni Kris na marunong siyang magluto.


May photos din na makikita siyang nasa gym at nagba-boxing. Sa nag-viral na TikTok video, makikita si Bimby na nakasuot pa ng t-shirt at inikot muna ang gym at binati ang gymmates niya. 


Sa isa pang clip, may suot na boxing gloves si Bimby at shirtless na. Nag-shoutout na ito sa mga subscribers ng owner ng social media account.


Para sa mga netizens, ang pinakamagandang role na kanilang nakikita kay Bimby at hinahangaan ay ang pag-aalaga sa mom niyang si Kris Aquino at kuya niyang si Josh.

May mga naiyak sa sinabi nito kay Boy Abunda na kapag nag-asawa siya, sisiguraduhin niyang tatanggapin ang kuya niya. Dahil alam niyang siya ang mag-aalaga kay Josh kapag nawala ang ina.


Well, puro positive comments ang mababasa ngayon kapag si Bimby ang topic. Mabait daw na anak at ang ganda ng pagpapalaki ni Kris sa kanya. Nakakasiguro raw si Josh na hindi siya pababayaan ni Bimby.





NANG dahil sa pa-heartwarming birthday greetings ni Derek Ramsay para kay Lily na anak nila ni Ellen Adarna, marami ang nag-react.


Mensahe niya, “Happy 2nd Birthday to my little princess, Lily.

“That look you’re giving Daddy says a thousand words without saying a single one. I don’t know what goes through that little mind of yours when you look at me like that, but I know one thing for sure is you have my whole heart.


“You may only be two, but you’ve already given my life a love that words will never be enough to explain. No matter how big you grow, you will always be Daddy’s little girl, my greatest blessing, and one of the most beautiful reasons I keep going. Love you, my Lilyput.”


Karamihan sa comments ay bumati kay Lily ng happy birthday, pati na kay Derek dahil ipinapakita ang pag-aalaga kay Lily kapag nasa kanya ang bata. Nakikita na he is a good father to his daughter.


Pero may mga not-so-good comments din na pumasok, na in fairness, hindi idine-delete ng aktor. Puro sa kaso nila ni Ellen ang comments na actually, unsolicited advice.


Payo ng isa, “Lower your pride. Say sorry to your wife. Save your marriage. Lily is just too cute to have separated parents.” 


Sinundan ng “That’s right, it won’t ruin his pride doing that,” “I hope you and her mom get back together! She deserves a complete family indeed!” at “Lily needs both of you to stand up for her together. Marriage is more important than pride. You should get back together.”


Makatulong kaya ang mga ganitong unsolicited advice para magkabalikan sina Derek at Ellen?





SA kabubukas na The Good Rally Sports Club ginanap ang 45th birthday party ni Isabel Oli. Sa halip na party, ayun, naglaro ng pickleball si Isabel, ang asawang si John Prats at ang kanilang mga bisita.


Kabilang sa mga bisita at naglaro ay si Heart Evangelista. Naging friends na sina Isabel at Heart mula nang maging close uli si John sa misis ni Sen. Chiz Escudero. Dumalo at namili si Isabel sa katatapos na closet sale ni Heart at ngayon naman, naglaro silang dalawa sa birthday niya.


Kampante ang mga fans na hindi pagseselosan ni Isabel kapag natuloy ang reunion movie nina Heart at John next year. Rom-com pa naman ang gagawin, may mga kilig at sweet scenes na puwedeng pagselosan.


Anyway, may loving birthday message si John sa asawa. 

“Happy birthday, wifey! Minsan, ‘di ko lang nasasabi, pero sobrang thankful ako sa lahat ng ginagawa mo para sa ‘kin at sa mga bata. Salamat sa pag-intindi, lalo na kapag ang dami kong ganap, at sa pag-aalaga sa ‘min palagi. 


“Sana, alam mong proud ako sa ‘yo at sa mga ginagawa mo. Gusto ko lang makita kang masaya at ginagawa ‘yung mga gusto mo. Nandito lang ako palagi. 

“Thank you, Lord, for another year with you. I love you, Cuff (Isabel)!”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page