top of page

Bukod sa kalat na may anak na… YEN, IPINAGPATAYO RAW NG BAHAY NI CHAVIT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 29
  • 4 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | August 29, 2025



Chavit at Yen

Photo: Yen at Chavit - IG



Binaha ng bashing si Yen Santos sa pa-teaser ng interbyu niya sa pulitiko at businessman na si Luis “Chavit” Singson para sa YouTube (YT) channel ng aktres.


Teaser pa lang ay mapamuksa na ang mga reaksiyon ng mga netizens sa comment section ukol sa tunay na relasyon nina Yen at Chavit. May matapang pang comment ang isang netizen na nagsabing malaking rebelasyon ito tungkol sa dalawang controversial celebrities.


Sa teaser, sinabihan ni Yen si Chavit na kumpirmahin ang matagal nang tsika na meron na silang anak.


Sabi ni Yen kay Chavit sa video, “Lagi tayong nai-issue. Meron pa nga raw tayong anak, ‘di ba? Malaki na raw ‘yung anak natin, si Yan-Yan. So, anak ba natin ‘yun?”

Sagot ni Chavit kay Yen, “Ewan ko sa ‘yo.”


Sa comment section, may netizen na nagkumpirma na totoo ang tsika na may anak sina Yen at Chavit. Sinundan pa ito ng iba pang mga netizens.


“Meron kayong anak, ‘di ba? Ipinagpatayo ka pa nga ng bahay. Best friend ko ang pinsan mo kaya alam na alam ko ang kuwento mo. Though mabait ka na anak at mabait din si Chavit sa ‘yo.”


“True, Hahaha!”


“Hahahaha! Naku, tagal ko na ring alam ‘yan.”


“Ewan n’ya raw sa ‘yo. Hahaha! Ayaw magsinungaling ni Manong Chavit…”

“Ba’t ikinakahiya kung may anak kayo?”


Pinalagan din ng mga netizens ang sinabi ni Yen na family friend nila si Chavit.

“If he’s a good friend of your parents or a family friend, hindi ka ganyan ka-comfortable makausap, with touch pa. You should have at least a wall kasi nga, he’s your parents’ good friend.”


“Family friend daw, eh, hindi ka naman mayaman bago ka nag-PBB (Pinoy Big Brother). Paano kayo magtatagpo?”


“Very friendly talaga itong si Yen. Kay Paolo ‘Going to Baguio as a friend,’ ngayon naman kay Manong, ‘family friend.’”


Inakusahan din si Yen na desperate move ang pag-interbyu niya kay Chavit, “Desperate move. Self-respect ay wala sa vocabulary n’ya.”


“Kumapit na kay Chavit ulit para mag-trending kasi ‘di umubra ‘yung pag-sorry tungkol sa kanila ni Paolo.”


“Pagkatapos ng ginawa mo kay LJ, sa tingin mo, may maniniwala pa sa ‘yo?”

Request pa ng isang netizen, sa susunod daw ay si Bacolod’s lone district Cong. Albee Benitez naman ang kanyang interbyuhin. Idinawit din kasi si Yen Santos sa isyu ng hiwalayan ni Cong. Albee at ng kanyang misis na si Nikki Lopez.



NAG-SHARE si Cannes Best Director Brillante Mendoza ng kanyang saloobin ukol sa malalang korupsiyon sa ating bansa sa kanyang Facebook (FB) page kahapon.

Ayon kay Direk Brillante, madalas niyang iniisip kung bakit napakalalim ng pakiramdam ng korupsiyon sa karanasan ng mga tao.


Tanong tuloy ni Direk Brillante kung tayo ba ay ipinanganak na may ganitong hilig sa katiwalian o ito ba ay isang bagay na pinalaki ng mga pangyayari, isang kapintasan na nag-uugat sa kapaligiran kung saan ang kapangyarihan, pangangailangan at tukso ay nagbabanggaan.


Ang katiwalian daw ba ay isang kahinaan lamang ng pagkatao, o ito ba ay isang hindi maiiwasang pagsubok sa sangkatauhan na kakaunti lamang ang may kayang dalhin sa kanilang kunsensiya?


Post ni Direk Brillante, “I am troubled by how easily some individuals commit acts of corruption without apparent remorse. Could it be that they no longer see their actions as wrong?


“Perhaps they justify their choices by believing they are working for a greater good, that their transgressions somehow benefit others, and that this belief absolves them of guilt. But does rationalizing corruption truly excuse it, or does it only numb the conscience until morality becomes a matter of perspective?”


Ang kanyang mga tanong ay humantong sa mas malalim. Paano kung tayo ay ilagay sa kanilang eksaktong sitwasyon? Kung dinadala natin ang parehong mga pasanin, haharapin ang parehong mga tukso, at taglay ang parehong kapangyarihan, talagang hindi ba tayo magiging immune sa parehong mga kompromiso?


Madali raw hatulan ang katiwalian mula sa malayo, ngunit mas mahirap kilalanin ang kahinaan ng ating sariling moral compass.


“We all know that corruption is corrosive. It weakens institutions, erodes trust, and destroys communities. It is something that must never be tolerated.

“Yet to truly confront it, we cannot simply point fingers at those in power. We must also examine where it begins. 


“Corruption does not emerge in isolation; it grows from human desires, fears, and justifications. It reflects not only broken systems but the complexities of the human heart,” diin niya.


Bakit daw napakaraming pinagkatiwalaan ng mga awtoridad, ang mismong mga taong dapat naglilingkod ang naging pinakakilalang mga nagkasala?


Ang sagot ay hindi raw simple pero ang pagtatanong ay mahalaga. Sapagkat kung hindi natin nauunawaan ang mga ugat ng katiwalian, nanganganib tayong ipagpatuloy ito, na hahayaan itong umunlad hindi lamang sa mga bulwagan ng kapangyarihan, kundi sa mga tahimik na sulok ng ating sariling buhay.


Konklusyon ni Direk Brillante, ang pagharap sa katiwalian, kung gayon ay hindi lamang tungkol sa pagreporma sa mga institusyon, tungkol din daw ito sa pagharap sa ating sarili.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page