top of page

Kaya raw ‘di na namomroblema sa pera… MARK, PROUD SA PAGBEBENTA NG LAMAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | January 18, 2026



BULGARY - MARK, PROUD SA PAGBEBENTA NG LAMAN_IG _herrasmarkangeloofficial

Photo: I IG _herrasmarkangeloofficial



Ang laki na ng ipinagbago ni Mark Herras. Bilang isang pamilyadong tao, natuto na siyang ituwid ang landas para sa kanyang misis at sa kanilang anak.


Ang Kapuso actor ang ambassador ng isang meat products kung saan kasalukuyan niyang ipino-promote sa social media ang ‘laman na ibinebenta’ niya.


Aniya, malaking bagay ang magkaroon ng sariling negosyo. Hindi na raw siya nangungutang at araw-araw na naghahanap ng pagkakakitaan para sa kanyang pamilya.

Yes po, isa na ring entrepreneur ang Kapuso actor. 


Wika niya, “Nakatutok ako ngayon sa pagbebenta. Kasi wala namang permanenteng trabaho sa showbiz. Kung ‘di ka nila kailangan, wala kang kikitain. Masaya ako ngayon sa aking ginagawa at talagang on hands ako sa negosyo kong ito.”


Natawa na lang ang aktor nang may nagbirong, “Kumusta naman ang pagbebenta mo ng laman?” 


Kitang-kita sa mukha ng aktor ang kasiyahan. At least nga naman, hindi na siya namomroblema pagdating sa pinansiyal.



Hindi napigilan ni AJ Raval na mag-react sa muling pagkikita ng mister niyang si Aljur Abrenica at dati nitong ka-love team na si Kris Bernal, na muling nagpaalala sa mga netizens ng kanilang kilig at matinding chemistry noong kasagsagan ng kanilang tambalan sa Kapuso Network.


Nag-viral ang mga videos nina Aljur at Kris na nagbibiruan. Hayagan na ipinahayag ni AJ na nakakatuwa o ‘cute’ ang sandaling ‘yun at inamin niyang nag-fangirl siya habang pinupuri ang good vibes at positivity ng dalawa.


Ayon kay AJ, “Nakita ko sila kahapon sa TikToClock Studio. Grabe, ang cute pa rin ng love team vibes. Punong-puno sila ng positivity. Kinuhanan ko sila ng litrato habang nagpa-fangirling ako.”


Pareho nang may pamilya ang former StarStruck alumni. Kasal na si Kris kay Perry Choi, at may anak na silang babae na si Hailee Lucca. 


Samantala, si Aljur ay dating kasal kay Kylie Padilla at may dalawa silang anak na lalaki – sina Axl at Alas. Nagkahiwalay sila matapos ang ilang taong pagsasama bilang mag-asawa. 


May anak na rin sina Aljur Abrenica at AJ Raval. Masaya na ring nagsasama ang celebrity couple at matiwasay ang relasyon nina Aljur at Kylie na nagko-co-parenting sa kanilang mga anak. 



LUCKY year ang 2025 kay Maris Racal dahil ang pelikula niyang Sunshine ay kabilang sa mga may pinakamataas na rating sa Letterboxd (platform kung saan puwedeng mag-review ng film) 2025.


Ginampanan ni Maris ang papel ng isang promising gymnast na nadiskubreng buntis at nagpalaglag. 


Ang Sunshine ay isang dramang pampalakasan tungkol sa isang young gymnast na may hangaring maging Olympian.


Ang pelikula ay kabilang sa mga may pinakamataas na rating noong 2025 sa Letterboxd at iniranggo sa limang kategorya sa year-end review ng social platform. 


Sa panulat at direksiyon ni Antoinette Jadaone, ang pelikula ay nasa ika-17 puwesto sa pangkalahatang listahan.


Napunta rin ito sa ika-6 na puwesto sa mga pelikulang Asyano na may pinakamataas na rating at ika-7 puwesto sa mga pelikulang dramatiko na may pinakamataas na rating. 


Pang-siyam naman ito sa listahan ng platform na “Most Hearts to Views in 2025” na nagraranggo sa mga pelikulang may pinakamataas na ratio ng likes sa views.

Unang ipinalabas ang pelikula sa Toronto International Film Festival noong 2024. Entry din ito para sa Best Picture sa ika-98 Academy Awards, subalit ang napili ay ang makasaysayang epiko ni Lav Diaz na Magellan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page