Bukod sa hirit na ayuda... Tigil-bayad sa modern jeepney
- BULGAR

- Mar 23
- 1 min read
ni BRT @News | March 23, 2026

Photo: File / Modern eJeep - LTFRB
Inanunsyo kahapon ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) na magsasagawa sila ng transport holiday ngayong araw, Marso 23.
Anila, ang mga driver at operator ng public utility vehicles (PUVs) ay nahihirapan nang mag-operate sa gitna ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.
“Wala namang manggugulo. Para maiparamdam sa ating Presidente Marcos na kami talaga ay hirap na hirap na,” giit ni Libay de Luna, national president.
Hangad din umano ng kanilang grupo na makatanggap ng fuel subsidy at assistance mula sa Department of Social Welfare and Development ((DSWD).
Umapela rin sila sa gobyerno ng tulong para sa service contracts, at humiling ng bank moratorium para sa mga transport cooperative na nahihirapang magbayad sa modern jeepney units.





Comments