top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bukod sa giant bouquet ng roses na bigay ng mister…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 18, 2021
  • 1 min read

HEART, NAKA-PRIVATE CHOPPER SA V-DATE NILA NI CHIZ

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 18, 2021




Hindi ini-expect ng Kapuso actress na si Heart Evangelista na sa mismong kaarawan niya last Feb. 14 ay ilalabas ang bago niyang digital billboard sa New York Times Square. Bale second billboard na niya ito at talagang nasorpresa siya na sa mismong birthday pa niya ito lumabas.


Big, big surprise rin para kay Heart ang bonggang Valentine treat sa kanya ni Sorsogon Governor Chiz Escudero. Kasama ang ilang malalapit na kaibigan, inihatid si Heart sa isang log cabin sa Itogon, Benguet sakay ng private chopper kung saan intimate dinner ang inihanda at masayang-masaya ang lahat.


Isang giant bouquet of roses din ang ibinigay ni Gov. Chiz sa kanyang lady love. Bale triple celebration na rin ito dahil bukod sa birthday ni Heart at Valentine’s Day, wedding anniversary nila kinabukasan, Feb. 15.


Well, maraming birthday gifts na natanggap si Heart at talagang mga sosyalin dahil puro branded ang mga items tulad ng Hermes, Louis Vuitton, Chanel, Prada, Balenciaga, YSL, atbp. kaya todo-pasalamat ang aktres sa mga taong nakaalala, bumati at nagpadala ng regalo sa kanya.


Kinilig din siya sa kakaibang effort ni Chiz sa paghahanda para sa isang masaya at memorable na selebrasyon ng kanyang 36th birthday.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page