Bukod sa basketball, volleyball at badminton court… FARM NI BEA, PALALAGYAN NG SWIMMING POOL
ni Nitz Miralles - @Bida | March 19, 2021

“Humble farm” ang tawag ni Bea Alonzo sa 16 hectares Beati Firma Farm niya sa San Agustin, Zambales, na sa laki, bukod sa mga tanim na mango, mahogany at calamansi trees, may basketball, volleyball at badminton court pa.
Ang next project daw ni Bea sa kanyang farm ay swimming pool na hindi poproblemahin ang location at size dahil malaki ang farm.
Pinasalamatan ni Bea si Isabel Rivas kaya siya nagkaroon ng organic farm. Si Isabel kasi na may farm sa tabi ng farm ni Bea ang kumumbinse sa aktres na bilhin ang property na noong una, talahiban daw, pero ngayon, isa nang magandang Beati Firma Farm.
Hindi pa namin natse-check ang views ng Farm Tour video sa YouTube ni Bea, pero sa Instagram ng aktres, may more than 1M views na ang vlog at more than 3K comments na puro positive at nagko-congratulate sa kanya.






Comments