Buking sa video ng anak ni Pacquiao… MICHAEL, NAGPATANGOS NG ILONG, PINAGPIPIYESTAHAN
- BULGAR

- Jan 17
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | January 16, 2026

Photo: FB Jinkee Pacquiao
Trending pa rin ang ‘pagbabagong-anyo’ ni Michael Pacquiao sa social media.
Marami kasi ang nakapansin sa ilong ng anak nina boxing champ Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao. May nakita rin kaming mga komento tungkol sa ilong ni Michael sa isang Instagram (IG) post ng video nila ni Jinkee.
Sa naturang video, makikita na binuksan ni Jinkee ang birthday gift sa kanya ni Michael na isang Prada red lipstick.
Pero ang napansin sa comment section ay puro tungkol sa ilong ni Michael.
Sey ng mga netizens:
“Wow! Nagpa-ilong si Michael.”
“Ilong talaga.”
“Why does his nose look like that?”
“Nagpatangos ng ilong ang anak n’ya. Okay lang ‘yun, may pera naman. Baka sabihin inggit ako. ‘Di ako inggit.”
Hays!
‘Di raw feel maging next Atong Ang…
BONG, TODO-ENJOY SA MGA MANOK-PANABONG
TULUY-TULOY ang pagla-live ni former Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. sa kanyang Facebook (FB) page. Madalas ay nasa farm siya kung saan naroon ang kanyang mga alagang manok na panabong.
Kamakailan, sa isang live appearance niya sa FB mula sa kanyang farm ay ibinida niya ang kanyang mga naglalakihang manok.
Kasama niya ang misis na si 2nd District Cong. Lani Mercado at ang apo na si Lauren, anak nina Cavite 1st District Cong. Jolo Revilla at Angelica Alita.
Ang mga manok na panabong ang isa sa mga pinagkakaabalahan ni Bong. Nare-relax din daw siya sa tuwing pinapasyalan ang mga ito.
“‘Yan po, oh. Nakakatuwa. Nakakatanggal talaga ng pagod. Nakakatanggal talaga ng stress,” pagmamalaki ni Bong sa kanyang mga panabong.
Kilala ang mga Revilla sa pag-aalaga ng mga panabong na manok. Isa ito sa mga libangan ng kanyang yumaong ama na si Ramon Revilla, Sr..
Katunayan, may sariling cockpit arena sa kanilang bayan sa Cavite ang mga Revilla. Mukhang ipagpapatuloy ni Bong ang naumpisahan ng kanyang ama.
“Ang sabong sa ating bansa ay part of our culture. Pero ‘wag po tayong malulong sa sugal. Basta ‘yung tama lang, aim for the pot ka lang,” pahayag ni Bong.
For sure, kontrolado ni Bong Revilla ang sarili whenever he feels na gusto niyang magsabong. At wala siyang plano na maging next Atong Ang.




Comments