top of page

Buking na nakipag-date kay Matt Lhuillier sa Dumaguete… CHIE, PINALAYAS NI JAKE SA CONDO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 24, 2025



Chie Filomeno at Jake Cuenca - IG

Photo: Chie Filomeno at Jake Cuenca - IG

  


Mukhang late ang intel ng lalaking tsismoso na si Xian Gaza dahil nitong Lunes, Setyembre 23 lang niya ipinost na hiwalay na sina Jake Cuenca at Chie Filomeno, pero noong nakaraang buwan pa pala sila nag-break.


Ang post ni Xian, “Jake Cuenca, natagpuang humahagulgol sa loob ng bahay matapos itong iwan ni Chie Filomeno para sa isang milyonaryong negosyante sa Cebu na si Matt Lhuillier! Atin-atin lang muna, ‘wag na lang muna sana makalabas. Salamat.”

Pero sey ng aming source, “Last month pa sila hiwalay.”


Base naman sa nakausap naming nakatira rin mismo sa condominium building sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig kung saan nakatira si Jake, nakita raw nito ang driver ng aktor na may ibinabang mga maleta at isinakay sa sasakyan.


“Akala ko, shooting lang, ganu’n naman kasi si Jake, maraming dalang gamit. Tapos, ang tagal naming hindi na nakikita si Chie, so baka ‘yun na nga, hiwalay na pala sila na nabalita ngayon,” sey ng taong nakatira rin sa building.


Naaliw nga ang taong kausap namin dahil hindi lang pala si Jake ang artistang nakatira roon. Kaya sabi namin, saka na lang niya kami tsikahin ulit kapag may mga isyu na ang ibang personalidad na nandoon.


Anyway, nagtanong kami sa taga-FPJ’s Batang Quiapo (BQ) kung kumusta si Jake sa taping, kung malungkot ba ito dahil hiwalay na sila ni Chie.


“Huh? Si Jake? Wala, ang saya-saya nga n’ya sa set, dami naming kuwentuhan. Wala namang nabanggit tungkol sa kanila ni Chie,” tsika ng taga-BQ.


Kilala namin si Jake at hindi siya ang taong nagmumukmok, lalo na’t abala siya ngayon sa dalawang seryeng isinu-shoot niya, ang BQ at What Lies Beneath (WLB) kasama sina Kaila Estrada, Charlie Dizon, Sue Ramirez at Janella Salvador.


Samantala, binalikan namin ang aming source kung totoong iniwan ni Chie si Jake base sa post ni Xian Gaza.


“Oo, totoo, pero hindi iniwan ni Chie si Jake, pinalayas ni Jake si Chie. Ipinabalik n’ya ang mga gamit sa bahay nila,” diin ng source.


Ang kilalang personalidad na binanggit ni Xian ang dahilan ng hiwalayan?


“Actually, parang nag-date lang. May totoong girlfriend kasi ‘yung Martin (Matt) at alam ng mga prominenteng pamilya sa Cebu. Pero hindi sila sa Cebu nakitang nag-date, sa Dumaguete, ilang beses na raw. May mga kaibigan si Jake na tagaroon at nakita sila. ‘Di ba nagmo-motor sina Jake ru’n kasama sina John Prats at Sam Milby? Kaya naikuwento.


“Hindi nga naniwala si Jake pero noong naalala n’yang may out-of-town si Chie, naniwala na s’ya, kasi wala s’yang panahon nga dahil dalawang shows ang ginagawa n’ya,” detalyadong kuwento sa amin.


Sa pagkakaalam ng aming kausap, walang confrontation na naganap kina Jake Cuenca at Chie Filomeno dahil nasa Dumaguete pa ang aktres nang ipabalik na ni Jake ang mga gamit niya sa bahay nila. Hindi na nakatungtong pa ng condo unit ang dalaga.


At dahil dito, marami ang tumawag sa amin para ikuwento kung sino si Chie dahil ang suwerte raw niya at naging boyfriend niya si Jake, pero pinakawalan pa niya.

Ang lalaking naka-date niya ay may girlfriend na, at habang isinusulat namin ito ay nag-aaway na raw ang pamilya ng both sides na kilalang prominente sa Cebu at ito ay dahil kay Chie.


Pinabulaanan din ng source namin ang post ni Xian na humagulgol si Jake, “Baka kabaligtaran. Hahaha! Saka, paano makikita sa loob ng bahay, eh, mag-isa lang si Jake sa condo unit n’ya?”


Sa pagkakaalam din namin, walang kasambahay si Jake kundi tagalinis lang, 2 beses sa isang buwan.


Balitang ikinatwiran din daw ni Chie na wala na sila ni Jake nang makipag-date siya. 

Mukhang kailangang maglabas ng resibo ang aktres dahil maliwanag pa raw sa buwan na ongoing pa ang relasyon nila ng aktor nang makipag-date siya kay Matt Lhuillier.

Bukas ang BULGAR sa panig nina Chie Filomeno, Jake Cuenca at Matt Lhuillier o ng kanilang kampo.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page