top of page

Buking na magkasama sa Taiwan… ROB, NAG-SORRY KAY JANE NANG KUMALAT ANG VIDEO NILA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 22, 2024
  • 2 min read

ni Lucille Galon @Special Article  | July 22, 2024



Showbiz News
Photo: Jane de Leon at Rob Gomez - Circulated

Itinanggi na ni Jane de Leon na may relasyon sila ni Rob Gomez sa panayam sa aktres na umere sa TV Patrol nu’ng Biyernes, July 19, 2024.


Ito’y matapos lumabas ang video na makikitang kumakain sila ng ichiran ramen na magkasama sa isang restaurant sa Taipei, Taiwan. Makikitang masaya sila habang kumakain at sumilip pa si Rob sa video ni Jane na ini-upload ng aktres sa Instagram (IG).


“Nu’ng time na may nai-upload ako, minsan na nga lang mag-upload sa Instagram (IG), nahagip pa ‘to si Rob. ‘Di namin alam na nagka-article na kami,” sey ni Jane.


“I feel bad lang rin kay Rob kasi nagso-sorry s’ya sa ‘kin. Sabi n’ya sa ‘kin, ‘Jane, nadamay ka pa,’” kuwento ng aktres.


Samantala, ang sey naman ni Jane tungkol sa kanyang love life, “May mga nagpaparamdam naman. I’m open about it.” 


Hmmm, sinadya nga ba ito dahil may bago silang horror film titled Strange Frequencies: Haunted Hospital para mapag-usapan? 


O ‘di kaya’y todo-deny siya dahil may bad image na si Rob Gomez at ayaw niyang madamay? Ano’ng sey n’yo, mga Ka-Bulgar?


Nagalit sa TV sa kapalpakan ng mga staff, Coco ginamit din

OGIE KAY WILLIE: TAKE A BREAK 


Willie Revillame - Ogie Diaz News Update
Willie Revillame / Ogie Diaz News Update

NAGSALITA na si Ogie Diaz sa kanyang Ogie Diaz Showbiz Update sa YouTube (YT) tungkol sa TV host ng Wil To Win na si Willie Revillame dahil sa pagiging magagalitin nito sa mga staff at on live TV pa kung ipahiya ang mga ito dahil sa kanilang mga kapalpakan.


Maraming nainis at nadismaya sa ginawang ito ni Willie kaya’t nakatanggap ng isang important lesson ang TV host mula kay Ogie. 

Sey ni Ogie, “Ito naman ang payo ko kay Willie, ‘no? Habaan pa n’ya ang kanyang pasensiya. Otherwise, he should take a break.”


Aniya pa, masaya raw siya para kay Willie dahil marami itong natutulungan gamit ang kanyang show. 


Samantala, nagbigay din ng pahayag si Ogie tungkol sa pagbanggit ni Willie sa pamilya nina Coco Martin at Julia Montes. 


Sey niya ay very private person si Coco, ayaw nitong nababanggit ang personal niyang buhay, na taliwas sa ginawa ni Willie sa first episode ng Wil To Win.


Well, ginawa ba ito ni Willie Revillame para mapag-usapan ang show dahil pressured siya sa ratings, sapagkat ang katapat niya ay si Dingdong Dantes na host ng show na Family Feud na talaga namang patok sa mga viewers o sadyang nadulas lang siya?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page