Buking na hiwalay na talaga… ELLEN: DEREK, PINADALHAN NG IMBITASYON, NO SHOW SA 1ST B-DAY NG ANAK
- BULGAR

- 10 hours ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 27, 2025

Photo: IG _ramseyderek07 & _maria.elena.adarna
May sagot na si Ellen Adarna kung bakit wala ang mister niyang si Derek Ramsay sa first birthday party ng anak nilang si Liana o Baby Lily.
Sa Instagram (IG) post ni Ellen ng mga larawan sa ginanap na birthday party ng anak, may nag-tag kay Derek at nagkomento ng “Absent ang amahan.”
Sumagot si Ellen sa wikang Bisaya. Aniya, “Gisendan man cya’g invite, Dai. Ambut nanu wa sya mu tunga,”
na ang ibig sabihin ay “Pinadalhan naman s’ya ng invitation, ewan kung bakit ‘di s’ya pumunta.”
Tila kumpirmasyon na rin ito na hiwalay na talaga sila ni Derek, although hanggang ngayon ay wala pa silang direktang pahayag para i-address ang issue.
Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens:
“This is sad. Father should be part of the celebration. No need ng invitation.”
“Bakit send-an pa, tatay ‘yun. It means ‘di na sila nagsasama sa iisang bubong.”
“Walang pagtatanggol so alam na ‘yan. Talagang not on good terms.”
“Oo, kawawa mga bata. I really hope maayos pa nila. And sana bumaba na mga pride nila.”
“Confirmed!”
Bukas ang BULGAR para sa magiging pahayag ni Derek Ramsay.
AMINADO ang festival director na si Chris Cahilig na hindi naging madaling proseso ang pagpili ng pitong official entries para sa Puregold CinePanalo Film Festival 2026.
Inanunsiyo na nga noong Sabado, Oktubre 26, ang lucky seven official entries at ito ay ang mga sumusunod: Wantawsan by Joseph Abello, Mono No Aware by BC
Amparado, Apol of My AI by Thop Nazareno, Patay Gutom (Dead Hungry) by Carl Papa and Ian Pangilinan, Beast by Lawrence Fajardo, Stuck on You by Mikko Baldoza, at Multwoh by Rodina Singh.
Ayon kay Chris, 203 scripts ang lahat ng naisumite at ilang linggo siyang walang tulog para isa-isahin ang mga ito.
“So, ang nangyayari is I screen them based on s’yempre, ‘yung plot nila and everything. From 203, 70 passed the initial screening.
“So, ‘yung 70, ‘yun ‘yung binasa ng ating selection committee. And then, du’n kami pumili ng 33, 15 at ngayon, 7,” kuwento ni Chris sa proseso ng selection.
Grabe rin daw ang naging debate at diskusyon nila during the selection of seven entries since nagkaroon ng 4 na elimination process.
“When you have like 33 really great line-up, cut to 15, lalo pang mas elite talaga. So, parang paano ka mamimili sa napakagagandang pelikula na ito?” saad ng festival director.
Inaasahan na mas malaki at mas maganda ang third edition ng CinePanalo Film Festival dahil mas malaki na rin ang production grant sa mga napiling pelikula.
Bawat 1 sa 7 entries ay tumanggap ng production grant of P5,000,000 and a chance to compete for the festival’s awards. The selected feature films will be shown on screen alongside 24 films made exclusively by student filmmakers.
“The upcoming 2026 CinePanalo is going to be the festival’s biggest installment yet,” pagkumpirma ni Senior Marketing Manager Ivy Hayagan-Piedad.
“Puregold CinePanalo is giving its biggest grants to date, largesse that all seven participants truly deserve by showing us the passion, creativity, and ‘panalo sa husay’ spirit that only Filipino filmmakers can bring,” pahayag ni Chris.
Hindi pa nakukumpleto ang casting ng bawat pelikula, pero ayon kay Chris ay umaasa sila na makakakuha ng A-list stars, na isa rin sa dahilan kung bakit tinaasan nila ang production grant.
Dahil mas pinalaki at pinaganda ang festival ngayon, inaasahang mahihigitan nito ang success ng mga nakaraang edisyon.
Gaganapin ang ikatlong edisyon ng CinePanalo Filmfest sa Gateway Cineplex 18 at Ayala Malls sa susunod na taon.








Comments