“Build, build, build” program, malaking legacy na maiiwanan ni P-Digong
ni Ka Ambo - @Bistado | September 30, 2021
Ginigiyera-patani si P-Digong ng mga kritiko.
Pero, sa kabila nito ay mataas pa rin ang natatanggap niyang approval rating sa mamamayan!
◘◘◘
KUNG may malaking legacy na maiiwanan si P-Digong, ito ay ang kanyang “Build, build, build” program.
Kitang-kita ang mga bagong gawang imprastruktura sa iba’t ibang panig ng bansa!
◘◘◘
SA gitna ng kaliwa’t kanang isyu ng korupsiyon, kinikilala rin ng Civil Service Commission ang ilang ahensiya na may outstanding performance partikular sa panahon ng pandemic.
Kamakailan ay tumanggap ang DPWH Region 1 ng CSC awards!
◘◘◘
SA virtual appreciation program noong Lunes, Sept. 27, 2021, iginawad ng CSC kay DPWH Regional Office 1 Director Ronnel M. Tan ang Certificate of Appreciation alinsabay sa ika-121 taong anibersaryo ng Philippine Civil Service.
Kinilala rin si DPWH Secretary Mark A. Villar ng CSC sa patuloy sa patuloy na paglilingkod sa gitna ng krisis, kalamidad at emergencies!
◘◘◘
TINUKOY ng CSC ang dedication ng buong ahensiya: “unrelenting efforts and extraordinary services filled with admirable courage and dedication in performing sworn duties in the midst of the COVID-19 pandemic.”
Ikinatuwa ni Director Tan ang parangal, “On behalf of the men and women of DPWH Regional Office 1, we are grateful to accept the recognition and overwhelmingly proud by the text of the certificate “you are all heroes”.
◘◘◘
TANGING ang DPWH Region 1 sa pamumuno ni Tan ang nag-iisang DPWH regional office sa bansa ang tumanggap ng ganitong karangalan mula sa CSC.
Ang sertipikasyon ay bilang parangal sa DPWH Region 1 frontliners at sa hindi mababayarang kontribusyon sa panahon ng COVID-19, at pagtugon sa mga emergency situations.
◘◘◘
MATATANDAANG nagtamo rin ng karangalan ang (DPWH) Region 1 office ng pagkilala bilang Top Performing Implementing Unit sa ginanap na Unified Directors Meeting noong Sept. 10 sa Hilton Clark Sun Valley Resort, Clark Freeport, Pampanga.
Bukod dito, si Director Tan ay ilang ulit nang kinilala ni Sec. Villar bilang most awarded Regional Field Executive sa mga nakalipas na taon.
◘◘◘
SA tuwing may bagyo, ang DPWH Region 1 na sumasakop sa Pangasinan, La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte ay mabilis na kumikilos upang tiyaking ligtas ang mga daan, tulay, public buildings, health centers, schools, flood mitigation structures at iba pang gusali.
Bilang frontliners, isinasakripisyo rin ng DPWH personnel ang kanilang buhay para sa kaligtasan ng publiko, lihim silang bayani sa likod ng pandemya.





Comments