top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Budget sa LGUs, bantayan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 2, 2024
1 min read

by Info @Editorial | July 2, 2024



Editorial

Inaasahang mas malaki ang pondong matatanggap ng mga lokal na pamahalaan sa susunod na taon.


Kaugnay nito, pinaalalahanan ang mga local leader na gamitin ang budget para sa kapakanan ng mga residente.


Maaaring gamitin ng LGUs ang karagdagang pondo para ayusin ang mga social services na mapakikinabangan ng publiko, lalo na ng mga mahihirap. Kailangang mapunta ito sa mga programang magbebenepisyo sa mga nasasakupan na magiging daan ng magandang pagbabago sa buhay ng taumbayan.


Una nang sinabi ng Department of Budget and Management (DBM), na ang national tax allocation (NTA) para sa mga LGU sa susunod na taon ay P1.03 trilyon. Ito ay mas mataas ng 18.7% mula sa kasalukuyang P871.38 bilyon.


Ang mas mataas na share ay dahil na rin sa magandang pagrekober ng ekonomiya ng bansa. Bagay na marapat lang na maramdaman ng mamamayan. Madaling sabihin na nakabangon na tayo sa pandemya o maraming negosyo ang pumapasok sa bansa, pero ang tanong, ramdam ba ng nakararami?


Kaya umaasa tayo na nagagamit nang maayos ang kaban ng bayan, mailaan sana sa mga proyekto at programang kapaki-pakinabang at hindi maligaw sa bulsa ng sinuman.


Hamon sa mga lider sa LGUs, mag-isip kung paano mapapaunlad ang bawat barangay. Bilang mamamayan, kasabay ng pagbabantay sa pondo, makiisa rin sa pagpapalago nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page