top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Budget sa edukasyon binawasan, gastos sa pag-around the world ni P-BBM dinagdagan, 'yun lang!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 5, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | September 5, 2023


SA HALIP NA DAGDAGAN ANG BUDGET NG SUCs BINAWASAN PA! – Imbes na dagdagan ay binawasan pa ng Marcos administration ang budget sa 30 State Universities and Colleges (SUCs) next year.


Sa ibang bansa, edukasyon ang mas pinagtutuunan nang pansin ng kanilang gobyerno. Yearly ay nilalakihan ang budget na pang-edukasyon, at onli in da ‘Pinas lang na binabawasan.


Ngayon, dapat pa bang i-memorize kung bakit mahina ang kalidad ng edukasyon sa ‘Pinas? Tsk!


◘◘◘


IBINAWAS SA BUDGET NG SUCs, INILAGAY SA CONFI AT TRAVEL FUNDS NI P-BBM -- Kapag kinuwenta ang nabawas sa budget ng 30 SUCs, lumalabas na higit P12 billion ang nabawas, at sa kabilang banda, sa year 2024 ay tumaas naman ang confidential fund ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) kasi ginawa na itong P9.2 billion, pati ang kanyang travel fund ay tumaas na rin, ginawang P1.4 billion.


Dahil d’yan, lumalabas na ang ibinawas sa budget ng 30 SUCs para sa edukasyon ng mga iskolar ng bayan, ay parang inilagay sa confidential at travel funds ni P-BBM, buset!


◘◘◘


DAPAT GOV’T. ANG MAG-MONITOR SA PRESYO NG BIGAS, HINDI ANG MAMAMAYAN -- Inatasan ni P-BBM ang mamamayan na simula sa Sept. 5, 2023 ay isumbong sa Dept. of Agriculture (DA), sa pulis at Local Gov’t. Units (LGUs) ang mga rice retailers na magbebenta ng higit sa P41-P45 per kilo ng bigas.


Ang statement na ‘yan ni P-BBM ay pagpapakita ng katamaran ng Marcos admin, kasi imbes silang mga nasa gobyerno ang mag-monitor sa tindang bigas ng mga rice retailers, eh, ang taumbayan ang inuutusang mag-monitor sa presyo ng bigas, boom!


◘◘◘


BAKA WALANG MAGBENTA NG REGULAR MILLED RICE AT WELL-MILLED RICE -- Nilinaw ni Dept. of Trade and Industry (DTI) Sec. Alfredo Pascual, na ang tinutukoy ni P-BBM na P41 per kilo ng bigas ay para lang sa regular milled rice at ang P45 per kilo ay para lang sa well-milled rice.


Naku, baka ang gawin ng mga rice retailers ay walang itindang regular milled rice at well-milled rice kasi nga malulugi raw sila, at baka ang itinda na lang sa merkado ay ‘yung mga imported rice na P50 per kilo ang pinakamababa, tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page