top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Budget sa 2023, gamitin sa pagbangon

BULGAR
Dec 17, 2022
1 min read

@Editorial | December 17, 2022


Pirmado na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang P5.268-trillion 2023 national budget.


Ang nasabing pondo ay sinasabing nakatuon sa pagbangon ng ekonomiya mula sa pandemya na dulot ng COVID-19.


Layon umano ng pondo na mapalakas ang ekonomiya sa pamamagitan ng paglikha ng maraming trabaho, pag-promote ng digitalization at iba pang proyekto na magpapababa sa antas ng kahirapan.


Kasabay nito, mariing itinanggi na may nakapaloob na “pork barrel” sa nasabing budget.

Umaasa tayo na ito na ang simula ng pagbangon ng bansa.


Bagama’t may mga kontrobersyal na pondo, tulad ng confidential at intel fund, sana naman ay hindi ito mapunta sa wala. Nagtitiwala pa rin ang taumbayan, lalo na ang mga supporters ng administrasyon na bayan pa rin ang makikinabang sa nasabing pondo. Patunayan sana ng mga opisyal na hindi nagkamali ang 31 milyong Pinoy na sila ang pinili.


Sa ngayon, medyo kamot-ulo talaga dahil sa non-stop na taas-presyo sa mga bilihin at dagdag-singil sa mga serbisyo. Sinasabayan pa ng mga puslit na produkto, talagang mapapailing na lang.


Kaya malaking ‘SANA’ ang binibigkas ngayon ng mga Pinoy para sa papasok na bagong taon.


Sana ay magkaroon na ng mas maraming trabaho, mapagkakakitaan at patas na pagnenegosyo. Sana, magamit nang maayos at makabuluhan ang pondo ng bayan at sana, tuluyan nang mapanagot ang mga abusado, korup at walang konsensya.


Sana, ito na ang gobyerno na may talino, galing at kabutihan na mamumuno sa sambayanan tungo sa mas maunlad na pamumuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page