Budget ng RITM-main COVID-19 center, hindi na sana kinaltasan
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 26, 2021
HINDI LANG RITM-MAIN COVID-19 CENTER ANG KINALTASAN NG BUDGET, PATI BUDGET NG OVP KINALTASAN NG MALACAÑANG--Hindi lang main COVID-19 testing center ng Pilipinas na Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang kinaltasan ng budget ng Department of Budget and Management (DBM) sa 2022, kundi pati ang OVP (Office of the Vice-President).
Ang dating budget ng RITM ay P393-M, pero next year ay P223-M na lang kasi kinaltasan ito ng DBM ng P170-M, samantalang ang dating P908-M budget ng OVP ay P713-M na lang next year dahil P195-M ang kinaltas dito ng mga alipores ni P-Duterte.
Imbes na dagdagan ang budget ng RITM dahil main COVID-19 testing center ito ng Piipinas at dagdagan ang budget ng OVP dahil ayon sa COA (Commission on Audit) ay nagagamit sa wasto ni Vice-Pres. Leni Robredo ang pera ng bayan sa pagtulong sa mahihirap, health workers at ospital, pinakaltasan pa ng Malacañang, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
'NASINDIKATO' NG PHARMALLY SA PUBLIC FUNDS, HINDI LANG P8.7-B, KUNDI HIGIT P13-B--Sa pagdinig sa Senado ay nabulgar na hindi lang pala P8.7 bilyong pera ng bayan, kundi higit P13-B public funds ang "nasindikato" sa transaksiyon ng Procurement Service ng DBM at Pharmally Inc.
Ano ba namang klaseng gobyerno 'to, mantakin n'yo, ang RITM-main coronavirus testing center at OVP ni VP Leni ay kinaltasan ng budget, tapos bilyun-bilyong pisong pera ng bayan ang ibinuhos ng PS-DBM sa Pharmally Inc. na pag-aari ng mga wanted sa Taiwan sa kasong fraud at estafa, na may konek kay Yang Hong Ming, aka Michael Yang na BFF ni P-Duterte, buwisit!
◘◘◘
HINDI DAPAT KINALTASAN NG BUDGET ANG RITM AT OVP KASI MALAKI ANG PAPEL NG MGA ITO SA LABAN KONTRA COVID-19--Malaki ang ginagampanang papel ng RITM at OVP sa laban kontra COVID-19.
Ang RITM sa paglalabas ng resulta ng mga tinest sa COVID, at ang OVP naman ay tumutulong sa mga LGUs (Local Gov't. Units) sa vaccine express kung kaya't maraming Pinoy na ang nababakunahan.
Ang nais nating ipunto dito, sana ay kung ayaw dagdagan ang budget ng mga ito ay hindi na sana kinaltasan pa ang pondo, at higit sa lahat ay hindi sana binuhusan ng public funds ang mga manraraket na taga-Pharmally, period!
◘◘◘
PUBLIC FUNDS NA PANDAGDAG-LABORATORY NG RITM AT DAGDAG-BUDGET SA OVP VACCINE EXPRESS, NAPUNTA PA PANG-SPORTS CARS NG MGA TAGA-PHARMALLY--Kung pinadagdagan ng Malacañang ang budget ng RITM ay puwede itong makabili ng karagdagang mga laboratoryo na pang-COVID testing para mas marami pa itong nailalabas na datos sa COVID-19 testing at kung pinadagdagan din ang budget ng OVP ay mas mapapalawak pa nito ang vaccine express para maraming mabakunahan.
Ang masaklap nga lang, sa Pharmally na nagbenta sa pamahalaan ng overpriced na facemask, face shield, PPEs (Personal Protective Equipments) at expired na testing kits ibinuhos ng Duterte gov't. ang public funds, kaya 'yung pambili sana ng RITM na dagdag-laboratoryo at dagdag-budget sa vaccine express ng OV ay napunta pa na pang-sports cars ng mga taga-Pharmally, pwe!





Comments