Budget ng OVP ni Sara tinaasan, budget ng PGH kinaltasan
Updated: Sep 22, 2022
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 27, 2022
UNFAIR SA LAHAT NG MGA BATANG MAG-AARAL SA 'PINAS KUNG ANG MGA ESTUDYANTE LANG SA GUIMARAS ANG BIBIGYAN NI DEPED SEC., VP SARA NG MGA BAG AT SCHOOL SUPPLIES—Nagpamigay si DepEd Sec., Vice-Pres. Sara Duterte-Carpio ng 500 school bags na may kasamang school supplies sa 500 mag-aaral sa Guimaras.
Sana all ng mga mag-aaral sa Pilipinas ay bigyan din ni DepEd Sec, VP Sara ng mga gamit-eskwela kasi unfair sa iba kung ang mga estudyante lang sa Guimaras ang niregaluhan niya.
Sa totoo lang, sa laki ng budget ng DepEd, plus budget pa ng Office of the Vice-President (OVP) ay kayang-kaya ni Sara bigyan ng mga bags at school supplies ang lahat ng mag-aaral sa bansa.
◘◘◘
SHOCKING ANG PUBLIKO SA LAKI NG BUDGET NG OVP NI SARA AT SA LAKI NG BUDGET NA IBINAWAS SA PGH—Na-shock ang publiko sa laki ng budget ngayon ng OVP ni Sara na umabot sa higit P2.292 bilyon, na halos triple ang inilaki sa ibinigay na budget ng Malacañang at Senado sa huling taon ni former Vice-Pres. Leni Robredo na higit P702 milyon lang.
Ang nakalulungkot sa isyung ito, kung ano ang laki ng budget na inilaan sa OVP ni Sara ay ang laki rin ng ikinaltas na P893 milyon sa budget ng Philippine General Hospital (PGH) na tiyak malaki ang magiging epekto sa mahihirap na Pilipinong nagpapagamot sa public hospital na ito.
Ano ba ang tingin ng Malacañang, na mas importante ang OVP kaysa PGH?
◘◘◘
KAPAG PINAYAGAN NINA ZUBIRI AT TOLENTINO NA MAKAPAG-ABROAD SI CHRISTOPHER LLOYD LAO, SOBRANG LAKAS NAMAN NIYA SA BAGONG LIDERATO NG SENADO—Sa pagdinig ng Senado sa PS-DBM (Procurement Service-Dept. of Budget and Management)-DepEd multi-billion peso laptop scam, hiniling ni former PS-DBM chief Christopher Lloyd Lao na alisin na ang "lookout bulletin" sa kanya ng Philippine Senate para makapag-abroad siya.
Ang nag-utos nuon sa Bureau of Immigration, na ilagay si Lao sa "lookout bulletin" ay sina former Senate Pres. Vicente "Tito" Sotto III at former Senate Blue Ribbon Committee Chairman, Sen. Richard Gordon dahil sabit ito sa PS-DBM-Pharmally multi-billion peso scam, kaya't kapag pinayagan nina Senate President Migz Zubiri at Senate-Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Francis Tolentino ang hirit ni Lao, isa lang ibig sabihin nito, na ubod siya ng lakas ngayon sa bagong liderato ng Philippine Senate.
◘◘◘
ITINATAG BA ANG PS-DBM PARA 'SINDIKATUHIN' ANG KABAN NG BAYAN? —Bukod sa laptop multi-billion peso scam, sangkot din ang PS-DBM sa face mask/face shield multi-billion peso scam.
Dapat buwagin na talaga ang PS-DBM kasi lumalabas na kaya lang itinatag ang tanggapang ito ng pamahalaan, ay para "sindikatuhin" ang kaban ng bayan.





Comments