“BTS sa Kongreso” ng mga tropa ni Cayetano, bina-bash ngayon sa socmed!

ni Ka Ambo - @Bistado | January 14, 2021
Isa ka ba sa mga fans ng BTS na isang South Korean boy band?
Payag ka bang sakyan ng mga pulitikong Pinoy ang popularidad nito?
◘◘◘
Ginagamit ngayong pang-gimik ang BTS ng grupo ni dating Speaker Rep. Alan Peter Cayetano.
At marami na ang nag-react sa social media!
◘◘◘
Ang BTS ay South Korean boy band na may pitong miyembro na sikat na sikat ngayon sa mga ‘milenyal’ at kabataang Pilipino.
Sa pagbabalik-Kongreso ni Cayetano matapos um-absent nang ilang buwan, tinawag niya ang kanyang grupo na “BTS sa Kongreso”!
◘◘◘
Kagrupo ni Cayetano ang dabarkads na sina Congressmen Luis Raymund “LRay” Villafuerte, Jr., Camarines Sur 2nd District; Dan Fernandez, Laguna 1st District; Raneo Abu, Batangas 2nd District; Mike Defensor, Anakalusugan; Jose Antonio Sy-Alvarado, Bulacan 1st District; Fredenil Castro, Capiz 2nd District.
Mukhang nag-backfire ang bagong gimik na ito!
◘◘◘
Nagwawala ngayon sa social media ang ‘milenyal’ at kabataang Pilipino na miyembro ng ARMY, ang official fanbase ng BTS.
Hindi sila makapayag at bad taste raw ang ginawa ng pinatalsik na House speaker!
◘◘◘
Ayon sa viral tweet ng isang netizen na “solid ARMY member”, kailangan daw nilang mag-register sa COMELEC para sa 2022 elections at ipamalas ang kanilang lakas kontra kay Cayetano at mga kasamahan nito.
“(You) see, they use BTS to get our votes. Let us prove them wrong. We are not gullible! We won’t allow them to capitalize on our admiration for BTS. We resist this manipulation!”, pagbibida ng BTS sa Kongreso sa media noong isang araw.
◘◘◘
Nilinaw ng “BTS sa Kongreso” na sila raw ang kakatawan sa “independent majority” na susuporta sa legislative agenda ni P-Duterte habang mananatiling kritikal sa mga panukalang-batas na ginagawa sa lower chamber.
Pero ngayon pa lang ay marami na ang nagdududa sa tunay nilang layunin sa Kongreso!
◘◘◘
Sinabi ng ilang eksperto sa pulitika, dahil wala namang nagawa ang mga miyembro ng grupo ni Cayetano bilang mga mambabatas para sa bansa at mga Pilipino ay pinipilit nilang maging relevant gamit ang BTS na may napakalaking fanbase sa bansa.
Sigurado raw na mag-iingay at kokontra lang sina Cayetano sa Kongreso na magpapabagal sa pagsusulong ng mga kinakailangang panukalang-batas!
◘◘◘
Hindi ba puwedeng sumanib na lang ang grupo nila sa Makabayan Bloc?
May ilang political analyst pa ang nagsasabi na ang naging hakbang ni Cayetano ay isang paraan ng pag-testing kung kakagatin siya ng publiko kung saan nasa ibaba siya ng mga survey!
◘◘◘
Sinasabing balak nang magsolo ni Cayetano at kumawala sa administrasyon dahil siguradong hindi naman daw siya mamanukin ni P-Duterte sa darating na presidential derby.
Nakarating na sa Big Hit Entertainment ang pambabalahura sa pangalan ng hawak nitong BTS.
‘Yan na ang giyera-patani!
◘◘◘
May mahigpit na polisiya ang agency pagdating sa kanilang brand.
Imbes na bumango gamit ang “BTS”, delikadong magharap pa sila sa husgado.
Tsk-tsk-tsk!





Comments