Bruce Springsteen, isa nang bilyonaryo
- BULGAR
- Jul 21, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel @Entertainment | July 21, 2024

Inihayag ng Forbes nitong Biyernes na isa nang opisyal na bilyonaryo ang 74-anyos na si Bruce Springsteen a.k.a. The Boss, na may net worth na hindi bababa sa $1.1 bilyon.
Kilala si Bruce bilang singer-songwriter ng mga hits tulad ng “The River” at “Blinded by the Light.”
Lalo siyang yumaman noong 2021 dahil ibinenta niya ang kanyang music catalog sa Sony para sa halos $500 milyon.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa si Bruce ng isang global tour na nakatakdang magpatuloy hanggang 2025.
Ayon sa industry tracker na Pollstar, nakabenta ang singer noong 2023 ng higit sa 1.6 milyong concert ticket, na kumita ng $380 milyon.
Nakapagbenta rin si Bruce ng 140 milyong album niya sa buong mundo, kaya't isa siya sa “best-selling musicians of all time.”




Comments