top of page

Brownlee at Sotto, una sa Gilas para sa FIBA 6th window

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 22, 2023
  • 1 min read

ni GA /VA @Sports | January 22, 2023



ree

Mabibinyagan bilang Filipino-naturalized si six-time PBA champion Justin Brownlee kasama sina 7-foot-2 stalwart Kai Zachary Sotto at MVP’s June Mar Fajardo at Scottie Thompson para iparada ang 24-man pool na sasabak sa ika-anim at huling window para sa FIBA World Cup Asia Qualifier sa susunod na buwan sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.


Matapos manumpa bilang panibagong naturalized-import ng bansa nitong nagdaang Lunes, masusubukan ang 34-anyos na 6-foot-6 All-around player na tulungan ang Gilas Pilipinas na laban sa No.1 Lebanon na nakatakda sa Pebrero 24 at Jordan sa Pebrero 27.


Nito lang nagdaang PBA Commissioner’s Cup ay tinulungan nito ang Brgy. Ginebra Kings na makuha ang kanilang ika-15th kampeonato sa liga, gayundin ang kanyang ika-anim na titulo bilang import at manatiling undefeated sa lahat ng kanyang Finals appearance.


Kasama rin sa 24-man pool na inanunsiyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sina CJ Perez, Roger Pogoy at Calvin Oftana, Jamie Alonzo at Japeth Aguilar, Raymond Almazan, Chris Newsome at Arvin Tolentino.


Parte rin ng listahan ang mga manlalaro mula sa ibang bansa na sina Kiefer at Thirdy Ravena, Jordan Heading, Ray Parks, Carl Tamayo, Dwight Ramos, naturalized player Ange Kouame, collegiate players Jerom Lastimosa, Schonny Wilson, Kevin Quiambao, Mason Amos at Francis Lopez.


Nung nagdaang Nobyembre sa window five ay winalis ng Gilas squad ang Jordan at Saudi Arabia sa bisa ng 74-66 noong Nobyembre 11 at 76-63 noong Nobyembre 14, ayon sa pagkakasunod, upang makamit ng Pilipinas ang 5-3 kartada sa Group E.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page