Brother Son, trending sa social media

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | April 22, 2022
Inaabangan ng mga karerista ang pagtakbo ni Brother Son dahil trending sa social media na mahusay ang pambatong batang kabayo ni horse owner Benjamin Abalos.
Nakatakdang sumalang sa pista si Brother Son na rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee, Jessie Guce, komento ng mga karerista na atat silang mapanood ang nabanggit na kabayo. "Malalaman natin ang husay ni Brother Son, marami kasi dami nagsasabi na pang-stakes race daw kung manakbo," saad ni Jericho Berbano, veteran karerista.
Makakalaban ni Brother Son sina Let It Shine, Heavenly Star, Express Lane at Precious Maxinne, nakalaan ang added prize na P10,000 para sa unang kabayong tatawid sa meta sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni Chairman Reli De Leon.
Tiyak na masisiyahan din ang mga karerista sa bakbakan ng limang kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa unang karera.
Inaasahang magdodomina sa takilya ang mga kalahok na My Prancealot at Heroesdelninetysix sa distansiyang 1,400 meter race. May added prize na P35,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta habang may karagdagang P10,000 ang hahamigin ng mananalo.
Maliban kina My Prancealot at Heroesdelninetysix, ang ibang kasali ay sina Victorious Run, Rockstar Show at Headmastership.
Samantala, 7 races ang inihain ng Metro Manila Turf Club, Inc. (MMTCI) kaya paniguradong masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. My Prancealot (1), Heroesdelninetysix (5)
Race 2. Wessfacckol (3), Tontoneeto (5)
Race 3. Speedy Chase (3), Nasayona Anglahat (5)
Race 4. Beli Bell (2), Battle Scar (1)
Race 5. Brother Son (2), Express Lane (4)
Race 6. Adarna (6), Ring A Bell (2)
Race 7. Jawo/Easy Landing (1/1A), Rockaway (7), Pendant (4)





Comments