Briones, wa' kuno alam sa korapsyon sa DepEd, pwe!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 28, 2022
LENI ROBREDO, HANDA NANG MAKIPAG-"UNITY" SA MARCOS ADMINISTRATION?—Umuusok sa galit ang mga loyalista at DDS sa pagtungo ni former Vice-Pres. Leni Robredo sa tanggapan ni Sec. Erwin Tulfo ng Department of Social Welfare and Development at inialok sa kalihim na ang pinamumunuan niyang Angat-Buhay Foundation ay handang tumulong sa mga gawain at programa ng kagawaran.
Sa totoo lang, hindi ito dapat ikalagalit ng mga loyalista at DDS, dapat pa nga'y matuwa sila dahil ang pagrekomenda ni former VP Leni na makipagtulungan ang kanyang Angat-Buhay Foundation sa DSWD ay indikasyon na makiki-"unity" na siya sa mga programa ng Marcos administration.
◘◘◘
FORMER DEPED SEC. BRIONES, 'NGANGA' LANG SA KATIWALIAN SA DEPED—Sa pagdinig sa Senado tungkol sa multi-billion peso scam sa overpricing ng laptop na binili ng Department of Education (DepEd) at PS-DBM (Procurement Service-Dept. of Budget and Management) ay mariing itinanggi ni former DepEd Sec. Leonor Briones na may alam siya sa katiwaliang ito.
Kumbaga, parang inamin ni dating Sec. Briones na "nganga" lang siya sa kanyang posisyon, kaya kahit ini-scam na ang kaban ng bayan na nasa DepEd ay wala pa rin siyang alam.
◘◘◘
PRESYO NG BILIHIN SA NOCHE BUENA, TILA ITATAAS NG DTI SA DISYEMBRE—Pinayuhan ni Usec. Ruth Castelo ng DTI (Dept. of Trade and Industry) ang publiko na hangga't maaga ay mamili na ng mga ipanghahanda sa Noche Buena sa Pasko.
Nakupo, sa tema ng panawagang ito ng DTI ay parang pagsapit ng Disyembre 2022 ay itataas na nila ang presyo ng mga panindang panghanda sa Noche Buena.





Comments