top of page
FRANKLY - ELLEN, UMAMING 1 YR. NANG WALANG SEX-G _maria.elena.adarna.jpg

Breakup nila ni John Lloyd, kumalat… ISABEL, NAG-IINARTE LANG DAW KAYA TODO-POST SA SOCMED

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 hours ago
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | July 6, 2026



BULGARY - ISABEL, NAG-IINARTE LANG DAW KAYA TODO-POST SA SOCMED-FB Circulated

Photo: FB Circulated



May post si John Lloyd Cruz (JLC) ng larawan ni Isabel Santos na makikita sa Dumpsitegallery account na pag-aari rin ng aktor sa Instagram.


Walang inilagay na caption ang aktor sa nasabing larawan.

Nabalita kasi ang celebrity couple na hiwalay na matapos ang cryptic post ni Isabel sa kanyang social media account. Duda ng ilang netizens, dahil ito kay Ellen Adarna. Pero wala namang makapagpatotoo na may magandang namamagitan uli sa ex-partners.


Ang tanging dahilan kung bakit nagiging malapit sila sa isa’t isa ay co-parenting sila sa anak nilang si Elias.


Kaya ang komento ng mga netizens:


“Okay naman kasi talaga sila. Birthday blues lang ni Isabel at nagkataon na kakamatay lang ng alaga n’yang aso.”

“Pa-artsy daw ang pagpaparinig n’ya. Hahaha!”

“Basag ang mga delulu sa Ellen-JL.”


May nagtanggol kay Isabel, “‘Di bagay na tawagin mo s’yang pa-artsy kasi legit s’yang artist at ang pamilya n’ya.”


“Baka ibig sabihin, eh, nag-iinarte. Hahaha! Pero tama ka, legit artists sila mula lolo hanggang mga tiyuhin at silang magpipinsan, although ‘di lahat, nahihilig sa visual art.”


Tanong naman ng isa, “Kailan ba pakakasalan ‘yan ni JLC? Baka puro paasa lang ang ending ni girl.”


“Mahilig kasi kayo mag-overthink! ‘Di lahat ng post ni Isabel, tungkol kay JLC.”

“‘Di naman naghiwalay, mukhang misunderstanding lang ‘yun nila. Baka ‘di naman sa relationship talaga nila ang cryptic post na ‘yun.”


“Patay na patay kay JLC si girl. Isang suyo lang, susunod ‘yan.”


“Hahaha! It’s the other way around po kasi…”


“Mas grabe ang relationship nila kaysa John Lloyd at Ellen. Hahaha!”


“High-quality woman kasi s’ya compared kay Ellen.”


“Sorry but JLC is not boyfie material. She knows that she’s just wasting her time.


Pretty sure she already asked that relationship-busting question na, ‘Saan papunta ang relasyon natin?’”


“Could be the other way too. Artists are known to commit to only one, their art.”

Ganern?





Ipinagdiwang kamakailan ng aktres-host na si Maine Mendoza ang kanyang ika-11 anibersaryo sa showbiz matapos siyang mag-debut bilang Yaya Dub noong Hulyo 4, 2015.


Minarkahan niya ang mahalagang pangyayari sa kanyang karera sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga intimate dinner photos sa kanyang Instagram (IG) Stories.

May isang larawan na may hawak siyang maliit na pastry plate na may nakasulat na tsokolate na, “Happy 11th Anniversary.”


“11 years today. Happy 4th of July,” caption ni Maine.


Patuloy na nananatiling pangunahing host si Maine sa telebisyon at kasalukuyang nagho-host ng noontime variety program na Eat… Bulaga! (EB!)


Sa simula ay sumikat siya sa pamamagitan ng kanyang viral comedic lip sync videos sa social media platform na Dubsmash, at mabilis na naging kilalang pangalan sa buong Pilipinas.


Ang kanilang hindi inaasahang pagsasama ni Alden Richards ang nagbunga ng makasaysayang AlDub phenomenon, na nagpatibay sa kanya bilang pangmatagalang celebrity sa kasaysayan ng telebisyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page