BOYET, INISNAB NG MIFF, NI HINDI NOMINADONG BEST ACTOR
ni Ambet Nabus @Let's See | February 6, 2024

Kahit kami ay nagulat din nang malaman naming hindi man lang nominated si Boyet de Leon sa katatapos lang na MIFF Awards sa LA, California.
Nag-effort pa naman ang magaling na aktor na pumunta sa USA para sa naturang event pero habang nagpaka-generous ang jury sa pagbibigay ng Best Actor award kina Papa Piolo Pascual at Dingdong Dantes, eh, maramot naman sila sa nomination.
Alam naming palalampasin lang ito ni Boyet, him being an accomplished actor at isa sa mga greatest sa industry (a feat na malayo pang ma-achieve nina Dong at Papa P), pero tama naman 'yung pagtatanong ng marami kung ano ba ang naging basehan ng mga taga-MIFF sa pagpili ng mga nominees?
Nagpapaka-international kuno raw ang pronouncement pero ni wala man lang daw international press na dumayo, pati exposure na lumabas sa mainstream US media?
Para lang daw itong isang "tayu-tayong Pinoy" event na may mga local artists na pumunta, nag- photo opp at nagpasaya.
Masabi lang 'international' dahil sa USA ginanap?
Aguy naman!!! SAYANG.





Comments