top of page
TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix.jpg

Boxing legend Pacman, proud sa pagbati kay Eala

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 9
  • 1 min read

by Gerard Arce @Sports News | August 9, 2026



Manny Pacquiao at Alex Eala - FB

Photo: Manny Pacquiao at Alex Eala - FB



Naihanay bilang isa sa ‘Sports Icon’ ng makabagong henerasyon si Pinay tennis star Alexandra “Alex” Eala, agad namang nagpaabot ng pagbati ang isa sa mga alamat ng sports na si 8th division world champion Manny “Pacman” Pacquiao.


Binati ni Filipino boxing legend at International Boxing Hall of Famer ang 21-anyos na bagong hirang na (WTA) 500 Mubadala Citi DC Open champion. Ang pag-angat ni Eala bilang bagong bayani sa palakasan, ipinasa ni Pacquiao ang inspirasyon sa isang mensahe.  


"To Alex Eala, congratulations on your victory. Thank you for bringing honor to our country. Nandito lang kami nakasuporta sa’yo. We are cheering for you; we are proud of you!" pahayag ni Pacquiao sa video message na lumabas sa Bulgar FB page na sinasabing sa bawat pagtapak ni Eala sa court, hindi lang para sa mga tropeo ang kanyang paglalaro; dala niya ang puso ng matatag na sambayanan 


Matapos ang makasaysayang tagumpay sa international tennis, ang hindi matitinag na determinasyon ng tennis star ay nagbigay sa milyun-milyong Pinoy ng isang mahalagang dahilan upang magdiwang.


Matatandaang may dalawang dekadang binitbit ng 47-anyos na Pinoy boxing icon ang bansa na sa tuwing may laban ay humihinto sa gawain ang mga Filpino para lamang siya ay panoorin habang may laban.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page