top of page

Boxer binawian ng buhay matapos ma-coma sa laban

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 12, 2023
  • 2 min read

ni Gerard Arce @Sports | March 12, 2023




Hindi na naisalba ang buhay ni Filipino bantamweight champ Kenneth Egano matapos itong ma-comatose makaraan ang boxing match nitong weekend sa Cavite.


Naideklara pang kampeon ang Saranggani native sa eight-round match kontra Jason Facularin, pero nag-collapsed na ito habang hinihintay ang resulta.


Ang laban ay inere ng Manny Pacquiao's Blow-by-Blow. Sinagot lahat ng MP promotions at ng Games and Amusement Board (GAB) ang gastusin sa Imus Doctors Hospital. “There is nothing more precious than human life,” wika ni Pacquiao matapos malaman ang kalagayan ni Engano.


Mayroong impresibong rekord ang 23-anyos na Davao-City born boxer na 6-1 kartada kasama ang tatlong panalo mula sa knockouts, habang nag-debut ito nung Pebrero sa Blow-by-blow sa Lagao Gym, General Santos City ng pataubin si Jegear Bereno sa second round knockout.


Pinaplano pa sanang magkaroon ng rematch sa dalawang boksingero sa Hulyo, subalit naganap ang hindi inaasahang pangyayari na inilarawan ni Pacquiao na isang delikadong isport. “Boxing is truly a dangerous sport and the boxers deserve nothing but respect as they put their lives on the line. Other sports you play, but you don’t play boxing,” saad ni Pacquiao.


Very unfortunate. Kaya po talaga seryoso ang boksing. Buhay po talaga ang tinataya ng mga boksingero natin. Kaya po talagang we will never compromise the health and safety ng mga boksingero natin, habang nagpapatunay at nagpapaalala sa atin na ang laban po ng mga boksingero literal po na laban ng buhay. Laban po ng kinabukasan ng pamilya nila,” paliwanag ni GAB chairman Richard Clarin na idinagdag na patuloy na babantayan ang mga isinasagawang mismatches at iligal na kalakaran sa pampalakasan, gayundin ang pagdadagdag ng medical check-up bago at matapos ang laban ng isang boksingero.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page