Box office hit at todo-hakot ng awards… MUSICAL SCORING NG MOVIE NI MARIS, SI RICO BLANCO ANG GUMAWA
- BULGAR

- Aug 7
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | August 7, 2025
Photo: Maris Racal - IG
Dati ay walang nakakaalam na si Rico Blanco ang nasa likod ng musical scoring ng hit movie ni Maris Racal na Sunshine.
Ito ang unang pagkakataon na nakakuha ng full-length na pelikula ang Filipino musician na ibinunyag ng direktor ng pelikula na si Antoinette Jadaone.
Ibinahagi naman ng OPM singer-songwriter ang inspirasyon sa likod ng kanyang musical score para sa pelikula ni Antoinette.
Isang fan ang nagtanong sa X (dating Twitter) tungkol sa musical scoring na ginamit para sa rhythmic gymnastics performance ni Sunshine (Maris).
“Walang nagsasalita tungkol sa musical score ni Rico Blanco. Original ba ang rhythmic gymnastic music ni Sunshine?” tanong ng netizen.
Ani ng ex-boyfriend ni Maris, “Actually, more inspired by electronic music in general. Hardly used pegs for Sunshine. More of the convos with @tonetjadaone re characters, intentions, goals.”
Idinagdag pa ng OPM singer na ang musical scoring ng pelikula ay umikot sa “modernity and youth” kung saan umikot ang kuwento ni Sunshine.
“Ang malaking ideya ay upang magdagdag ng modernity at kabataan sa kuwento.
Mayroon akong malalim na pinagmulan sa genre na kraftwerk orbital reznor depeche ultravox atbp. at kahit na gusto ko ang track na ito, ganap na wala ito sa aking radar noon. Ito ay higit na ‘90s Big Beat.
“First time ni Rico Blanco na makaiskor ng full-length na pelikula,” pagbabahagi naman ni Direk Jadaone.
Bakit nga ba si Maris ang napili niya para sa titular role ng award-winning na pelikula?
Wika ni Direk, “Meron s’yang physique of a gymnast. So she’s petite, she’s lean, dancer din siya so meron na siyang gracefulness in her movement––physicality ng isang gymnast na-check n’ya na agad. Siguro ‘yun ‘yung hinahanap ko sa artista na magpe-play ng Sunshine.”
Kung hindi kami nagkakamali, ang Sunshine ang blockbuster na Pinoy movie nitong 2025.
Humakot din ito ng mga awards sa international award-giving bodies.
Halos one month nang ipinapalabas ang Sunshine, pero patuloy pa rin itong pinipilahan ng mga manonood.
Congrats, Maris Racal, you deserve it!!!
Taos-pusong binati ni Dia Mate ang boyfriend na si JK Labajo sa kanilang anibersaryo.
Sa Instagram (IG), nag-upload ang beauty queen ng mga romantic snaps mula sa kanilang bakasyon kung saan ang caption na kanyang isinulat ay puno ng pagmamahal.
Sa mga snaps, makikitang nag-e-enjoy silang magkasama.
“A late anniversary post. Sharing some of my favorite photos with my favorite person. Once again, Happy Anniversary, my love @juankarlos. I love you!” ang viral post na isinulat ng beauty queen.
Naantig si JK sa heartfelt message ng girlfriend.
Ani JK, “Te amo mucho mi amor (I love you so much, my love).”
Ang kanilang matamis na palitan ng mensahe ay mabilis na umani ng atensiyon mula sa mga tagahanga, kung saan bumaha sa comment section ng pagmamahal at pagbati.
Komento naman ng mga netizens:
“Uy, grabe, magkamukha na kayo, ah?”
“Cuties! Happy Anniversary sa inyong dalawa!”
“I love you guys so much, my fave couple.”
“Aww, Happy Anniv sa parents ko! Charot!”
“Love this, stay strong JK and Dia! Ang cute n’yo!”
Sweet!
NAGPAHAYAG si Barbie Forteza sa nais na marami pang horror roles ang maibigay sa kanya pagkatapos ng matagumpay na P77.
Ang pagganap ni Barbie sa horror film ay sinalubong ng mga masasayang reviews mula sa mga kritiko at manonood.
Pagbubulgar ng aktres, sabik siyang gumawa pa ng mas maraming pelikula sa kategoryang ito.
Nagpapasalamat ang aktres sa tagumpay ng pelikula.
Ang movie ay isang psychological thriller sa direksiyon ni Derick Cabrido, kung saan si Forteza ang gumaganap bilang si Luna Caceres.
Congratulations, Barbie! More horror movies pa for you.










Comments