ni Beth Gelena @Bulgary | September 15, 2024
Nag-react si Ruffa Gutierrez sa stunning photos ni Barbie Imperial.
Sa Instagram (IG) post ni Barbie, ibinahagi niya ang magaganda niyang larawan at may caption na “Friday mood”.
Hindi lang ang mga netizens ang nakapansin sa stunning beauty ng actress kundi maging ang former beauty queen.
Tatlong fire emoticons ang naging reaksiyon ni Ruffa.
Ang ibang komento ng mga netizens:
“Sobrang gandang Bebe talaga.”
“Pinakamaganda sa lahat ng maganda.”
“Bakit ang ganda mo?”
“Napakaganda naman talaga n’yan, eh!”
Bongga!
KASALI ang movie ni Maris Racal titled Sunshine sa Toronto International Film Festival (TIFF) pero hindi makaka-attend ang young actress sa nasabing international filmfest.
Ang Sunshine ang nag-iisang Filipino film na nag-participate sa TIFF ngayong taon.
Ang dahilan, nasa Italy si Maris to shoot an upcoming series nilang Incognito. Gustuhin mang um-attend ng young singer-actress sa Toronto ay hindi na raw pupuwede.
Ang paliwanag niya, “I made a commitment kasi and this (Incognito shoot in Italy) is booked na way early this year. I appreciate naman the production and ABS-CBN, they really tried to move things around for me ‘cause they know how important TIFF (Toronto International Film Festival) is for me. They really tried. They really tried to change the schedule, but matagal na talagang naka-book ‘yung Italy.”
Dagdag pa ni Maris, okay lang daw sana kung dito lang sa 'Pinas ang shoot instead sa Italy kung saan nakapag-book na ng mga shooting locations.
Ang nakakasama pa raw ng loob, natanggap na niya ang kanyang passport nu'ng araw ding 'yun of her Italy flight with Canadian visa approval.
Sey ni Maris, “My visa got approved kaninang umaga (September 10). Heartbreaking, but it’s not about me naman, eh. The important thing is there is a Filipino movie na kasama sa TIFF 2024. Direk Tonet (Jadaone) will be there. I’ll be there in spirit. Beaming with pride, I’m in Italy to support them.”
Alam naman ng lahat na kagagaling lang ni Maris sa heartbreak.
Aniya, “I’ve moved on. Ang dami ko nang naiyak, I’m like okay lang ako.”
Ang TIFF ay isa sa top five international movie festivals na ginagawa globally at alam ni Maris how big this opportunity is and how this can open a lot of doors for her.
“I heard na sold-out na lahat ng tickets. Thankful ako, excited ako sa mga reaction ng mga tao,” wika niya.
Ayon naman sa director ng movie na si Antoinette Jadaone, wala pa raw plano for promo executions for Sunshine, na-surprise na lang daw sila nang lumabas ang trailer last August 30.
Overwhelmed naman si Maris sa mga natanggap niyang reaction.
Nu’ng isinu-shoot daw niya ang Sunshine ay kasabay din nilang ginagawa ang Can’t Buy Me Love (CMBL).
Aniya, “I was shooting that while shooting Can’t Buy Me Love. There are days talaga na lutang na 'ko but everything was really worth it. Literal na blood, sweat and tears upon making the film. I’m so happy na mapapanood na s’ya ng mundo.”
Aside sa Incognito, may MMFF movie entry din si Maris, ang And the Breadwinner is… (ATBI) with Vice Ganda kung saan nasa kalagitnaan na raw sila ng pagsu-shoot with Direk
Jason Paul Laxamana. Kasama rin sa movie ang kanyang ka-love team na si Anthony Jennings.
Sa tanong kung paano nila ginagawang click ang love team nila, ani Maris, “Tulungan lang talaga. We lift each other up."
“Sobrang daming ibinibigay na blessings sa ‘min. Sobrang saya lang na naia-apply na namin ‘yun sa work namin, kasi nag-a-acting workshops kami,” saad naman ni Anthony Jennings.
Comentarios