Boto para kay Julia… MARJORIE, TUNAY NA ANAK NA ANG TURING KAY GERALD
- BULGAR

- Oct 20, 2024
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Oct. 20, 2024
Photo: Gerald Anderson, Marjorie at Julia Barretto / IG
Para nang tunay na anak ang turing ni Marjorie Barretto sa boyfriend ni Julia Barretto na si Gerald Anderson. Madalas ay kasa-kasama nila ang aktor sa mga special occasions ng pamilya.
Palagay na rin ang loob ni Gerald sa partidos ng pamilya ni Julia. Kahit hindi sila madalas nagkikita o nagkakasama, hindi siya nag-aalala o nai-insecure.
Malaki ang tiwala niya kay Julia at hindi siya nagde-demand na bigyan siya ng oras para magkasama o mag-bonding.
Sabi nga ni Marjorie, pareho nang mature sina Julia at Gerald, kaya stable na ang kanilang relasyon. Sinusuportahan nila ang isa’t isa at bihira silang magkatampuhan.
Nakikita ni Marjorie kung gaano kamahal at inirerespeto ni Gerald ang kanyang anak na si Julia.
Maraming nagsasabi na malaki ang ipinagbago ni Gerald mula nang dumating si Julia sa kanyang buhay. Mukhang hindi na nga “chickboy” si Gerald, homebody na siya at bihira nang gumimik.
Maging si Julia ay homebody din, kaya nagkakasundo sila. At si Julia Barretto na nga ang “the one” na gustong makasama ni Gerald Anderson habambuhay.
BLOOMING si Maricel Morales nang dumalo sa reunion ng That’s Entertainment (TE) members.
Nakipag-bonding siya sa mga dating kasamahan sa TE, especially kay Ara Mina.
Naibalita ni Maricel na kakandidato siyang konsehal sa Angeles City. Makakalaban niya si Aljur Abrenica na tatakbo rin bilang konsehal. Let’s see kung pareho silang lulusot sa darating na midterm elections.
For sure, suportado si Maricel Morales ng kanyang mga kaibigang artista. Sayang at hindi na gaanong aktibo si Maricel sa showbiz, mas malakas sana ang recall niya sa mga
botante sa Angeles City kung may daily exposure siya sa telebisyon.
Si Maricel ay ex-wife ng action star na si Ace Espinosa. Nagkaroon sila ng isang anak na lalaki, na binata na ngayon, si Ace Espinosa, Jr..
Na-annul ang kasal nina Maricel at Ace, kaya nakasal siya kay Sonny Agoncillo noong 2022.
Maligaya ang married life ngayon ni Maricel Morales. At puwede pa rin siyang lumabas sa pelikula at telebisyon dahil maganda at na-maintain ang kanyang sexy figure.
PATULOY sa pagliliwaliw sina Carlos Yulo at ang girlfriend niyang si Chloe San Jose. Hanggang ngayon, hindi pa rin nadadalaw ni Caloy ang kanyang mga magulang at mga kapatid.
Ngayon nga, balak pa niyang dalhin si Chloe sa sosyal na Amanpulo! Dollars ang gagastusin nila sa bakasyon nila rito pero may milyones naman si Carlos Yulo mula sa kanyang premyo bilang gold medalist sa Paris Olympics.
Mga milyonaryo lang ang nakakaya ang bakasyon sa Amanpulo.
Dahil dito, tiyak na maba-bash na naman si Carlos Yulo. Nagagawa niyang gastusan nang libu-libo si Chloe, pero ang sariling magulang ay wala man lang siyang maibigay, kahit na second-hand na sasakyan.






Comments