Bossing, matibay vs. kuryente ng Bolts
ni GA - @Sports | July 1, 2022

Hindi inaaasahan na ang inaalat na si Baser Amer ang magbibigay ng ika-apat na panalo para sa Blackwater Bossing ng isalpak nito ang pabandang tira upang maitakas ang 90-89 panalo laban sa Meralco Bolts, kagabi sa 2022 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Naging kauna-unahang koponan ng 29-anyos na dating 4-time NCAA champion mula San Beda Red Lions ang Meralco Bolts, kaya’t mataas ang pagsisidhing makabawi sa dating koponan na nagpamigay sa kanya noong isang taon kasama si Bryan Faundo para kay MacBelo matapos ang limang taon.
Sa nalalabing 10 segundo ng laro matapos isalpak ni Chris Newsome ang panlamang na jump shot sa 88-89, walang takot na binitawan ni Amer ang isang jump shot matapos makawala sa depensa upang gulatin ang Meralco na naubusan ng oras para sa nalalabing 4 na segundo.
“I told Baser before the game, I said, this will be your game, tatalunin mo yung dati mong team and he delivered. This is the one that will gonna win for us, so it takes a former Meralco player to beat them, kase yung pressure, they’ve been there and done that kase kami hindi eh, kase wala pa kaming ganun eh,” pahayag ni head coach Ariel Vanguardia sa post-game press conference.
Mayroon lamang nailistang 6 puntos, 3 assists at 2 rebounds sa 3-of-11 shooting si Amer, subalit naging maningning ang laro ng rookie na si Ato Ular na kumana ng double-double performance sa 19pts at 15 boards sa 7-of-11 shooting, habang nagrehistro rin si Jvee Casio ng 19pts, 6 assists at 4 rebs, gayundin si Rey Suerte sa 15pts at Shawn McCarthy sa 12pts. Mayroon namang 8pts at 12 boards si Yousef Taha.





Comments