top of page

Boss, walang bilib sa Comedy King, ipinaglaban… CHARO, MUNTIK MATSUGI NOON SA ABS-CBN DAHIL KAY DOLPHY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 29
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | Mar. 29, 2025



Photo: Charo Santos IG


Ibinulgar ni Ms. Charo Santos na muntikan na siyang ma-fire out sa ABS-CBN noon dahil kay Dolphy. Sa Instagram (IG) ng aktres ay ikinuwento niya ang buong pangyayari.  

Nangyari umano ang lahat nu’ng 1990s, kung saan involved ang late legendary comedian na si Dolphy, known as the ‘King of Comedy’. 


That time ay isa sa may pinakamataas na posisyon sa ABS-CBN si Ma’am Charo.  

Kuwento niya, “It was back in the 1990s kababalik lang ni Mang Dolphy from the US. He called me up at sabi niya, 'Charo, gusto ko bumalik sa telebisyon.' Bata pa po ako, pinapanood ko ang lahat ng mga TV shows, from Buhay Artista to John & Marsha, talagang sinubaybayan ko ‘yan. I also became his leading lady in the movie My Juan en Only.”


Inilapit daw niya sa big boss ang paglapit sa kanya ni Dolphy, pero diskumpiyado ang una kung makababalik pa ang Comedy King dahil ang tagal nitong nawala sa sirkulasyon ng showbiz.  


Kuwento ni Charo, “I went to my boss, ‘Sir! Ibalik natin si Mang Dolphy sa TV.’ Sagot niya, ‘Ano ka ba? Hindi ka ba nag-iisip? Tatlong taon nang wala ‘yan, nakalimutan na ‘yan ng tao.’

“‘Sir, hindi. As far as I’m concerned, he’s the King of Comedy.’ Sabi ni Sir, ‘Malaking risk ‘yan, eh, kung hindi mag-rate ‘yan?’ ‘Sir, ‘pag hindi nag-rate ang programa ni Dolphy, you can fire me.’ Parang natulala ako. Sabi ko, ‘Bakit ko nasabi ‘yun?’” 


Agad daw silang bumuo ng cast pagkatapos nu’n.

Aniya, “Wala nang urungan ‘to. I got the best team and gathered the right casting combination. ‘Pag ang boss ko raw, hindi natawa in 5 minutes, umuwi na raw ako, mag-resign na. Sa awa ng Diyos, in the first 5 minutes, nadinig namin ‘yung halakhak ng aming top boss.


“Sa pilot episode pa lang ng Home Along Da Riles, it became the number one program on primetime of ABS-CBN and it remained number one for the next seventeen years.”  


Ang sitcom na Home Along Da Riles (HADR) ay nag-premiere nu’ng 1992, and quickly ascended to the number one spot on ABS-CBN’s primetime lineup and its success was sustained over an impressive 11-year run. 



IBINAHAGI ni Elijah Canlas ang kanyang unang single na Loved Song kay Miles Ocampo. 


Hirit niya, si Miles ang unang nakarinig ng kanyang kanta three years ago pa. Isinulat umano niya ang kanta para sa monthsary nila noon ng actress. More than two years din ang naging relasyon nila but they parted ways back in 2023. 


“It was a monthsary gift at that time, so ibinigay ko na ‘yung song sa kanya… Kinilig naman siguro s’ya,” wika ng aktor sa isang panayam. 


Nang tanungin kung ano ang reaksiyon ni Miles nang marinig ang kanta, “Speechless. Hindi s’ya ma… ano kasi, ma-expressive sa mga ganu’ng bagay. But I think kinilig naman s’ya, sana. Sana nag-work naman,” pakli ni Elijah. 


“Technically, I wrote it 3 years ago. Wala pa akong plano talaga mag-release officially to be a music artist. Isinulat ko lang siya at the time when it was all happening,” alaala niya. 


Esplika niya, “Past tense na talaga ‘yung kanta kasi nasa ibang state na ako ng buhay ko ngayon. Nasa ibang state na ng mindset basically.”


Maraming nakakakita ngayon kina Miles at Elijah na laging nagkakasama. Meaning, nagkabalikan na ang couple, though hindi sila umaamin kapag may nagtatanong. 


Hindi nga ba’t sa isang wedding na magkasama sila ay nakunan pa sila na hinalikan ni Elijah si Miles?

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page