Boss Emong vs. Super Swerte sa Classic Cup
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | March 1, 2022
Magkikita muli ang dalawang mahigpit na magkaribal na sina Boss Emong at Super Swerte sa magaganap na 2022 PHILRACOM Classic Cup Race na pasisibatin sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite sa Marso 20.
Sasakyan ng dalawang dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year Awatdees, Jonathan Hernandez at Jessie Guce sina Boss Emong at Super Swerte ayon sa pagkakasunod.
May guaranteed prize na P2.5M ang nasabing event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon, ang ibang nominado ay sina Isla Puting Bato, Shining Vic, War Cannon at 2020 Presidential Gold Cup champion Pangalusian Island.
Nakalaan ang P1.5M para sa mananalong kabayo sa distansiyang 1,800 meter race, ang nasabing event ay suportado ng PHILRACOM.
Nakaraan lamang ay tinalo ni Boss Emong si Super Swerte nang magharap sila sa 2022 PHILRACOM Commissioner's Cup na inilarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Subalit ayon sa mga karerista ay posibleng mag-iba ang resulta dahil change jockey si Boss Emong, Si Dan Camanero ang gumabay kay Boss Emong nang talunin si Super Swerte noong nakaraan. "Malaking bagay ang hinete, kahit star jockey si Uno (Hernandez) ay gamay na gamay ni Camanero si Boss Emong kaya posibleng iba ang manalo," saad ni Jerry Corpuz, veteran karerista.
Hahamigin ng second placer ang P562, 500 habang ibubulsa ang 3rd at 4th ang tig-P312,500 at P125,000 ayon sa pagkakasunod.





Comments