Boss Emong, Super Suwerte at Pangalusian Island

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | May 5, 2022
Nakatakdang magharap ang mga kampeon na sina Boss Emong, Super Swerte at Pangalusian Island sa magaganap na 2022 PHILRACOM "Chairman's Cup" na pakakawalan sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.
Nagdeklara ng pagsali sina Boss Emong ang kampeon sa katatapos na 2022 Philracom Road to Chairman's Cup, 2022 Philracom Classic Cup ruler Super Swerte at 2020 Presidential Gold Cup champion Pangalusian Island sa nasabing prestihiyosong karera.
Nominadong sumali sa karerang may P2.5M guaranteed prize sina Big Lagoon at Isla Puting bato, may distansyang 2,000 meter race ang karera.
Gagabay kay Boss Emong ni Edward Vincent Diokno ay si star jockey Jeffrill Tagulao Zarate, habang kay Super Swerte na pambato ni Sandy Javier, Jr. ay si Jessie Basilio Guce.
Si GV Mora ang papatong kay Pangalusian Island, ang karera ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni Chairman Reli De Leon.
Hahamigin ng unang kabayong tatawid sa meta ang premyong P1.5M sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni Chairman Reli De Leon.
Hindi uuwing luhaan ang 2nd placer dahil P562,500 ang masusungkit, P312,500 ang sa third, habang P125,000 ang sa 4th.
Samantala, pitong karera ang pakakawalan ngayon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Magtatagisan ng bilis ang 10 kalahok sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga sa unang karera.
May distansyang 1,500 meter race, inaasahang magiging liyamado si Shelltex Gold na sasakyan ni Class A rider Jessie Guce na dati ring PSA-JoY awardee.
Ang ibang kasali ay sina Anika's Will, Lady Orphan, Kipitaki, Sagitsit, Antonio Delamugis, Statistics, Solution, Go Marty Go at Miss Aruba.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Shelltex Gold (9), Kipitaki (3), Sagitsit (4)
Race 2. Amelia (4), Hi Jack (3), Divine Dancer (6)
Race 3. Kingwash Tipid Ah (4), Princess Isabelle (9), Double Rock (10)
Race 4. O Sole Mio (5), Lucky Lea (6)
Race 5. Play It Safe (2), Step Bell (9), Tandem Flyer (6)
Race 6. Cat's Wonderful (6), Fictional (4)
Race 7. Charm Bell (6), Static/Work From Home (2/2A), High Honours (4).





Comments